Reynan ng The Voice Kids nakakakain na ng fried chicken!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 14, 2015 - 10:00am

Masaya ang launch ng The Voice Kids Season 2 The Album sa Activity Center ng Fisher Mall last Tuesday, October 13, sa pamamagitan ng mini-concert ng Top 6 finalists organized by their producer, ang MCA Music, Inc.

Birit nga kung birit ang Top 6 finalists headed by the grand champion Elha Nympha; sina Reynan Dal-Anay, Esang de Torres, Sassa Dagdag, Zephanie Dimaranan and Kyle Echarri.

Nakakabingi ang tilian ng fans ng Top 6 finalists at nakakatuwa na tuwing matatapos ang kanilang songs, nagpapasalamat sila sa kani-kanilang group of fans.

Pero bago ang live performances ng Top 6 finalists, nagkaroon muna sila ng presscon sa Yakiniku Japanese Restaurant.

Very innocent at walang kiyeme ang sagot ni Reynan kung ano ang nabago sa kanya after nakasali siya sa contest, nakapag-aral na raw siya ngayon sa private school at nakakain na siya ng masarap tulad ng paborito niyang fried chicken.

Nang piktyuran siya at tanungin kung may Instagram account na siya, sagot niya: “ano po iyon?”

Si Reynan ay isang Manobo kid from Bukidnon. Ayon naman kay Elha, hindi pa niya nakukuha ang cash prize at kotseng napanalunan niya, pero nakapili na raw siya kung saang Camella Homes ang kukunin niya somewhere in Malolos, Bulacan.

Si Kyle naman ay kasali na ngayon sa teleseryeng On The Wings of Love, hirap pa siyang mag-Tagalog pero mahusay siyang mag-Cebuano dahil taga-Cebu rin ang Fil-Am boy from California.

Lahat sila ay busy sa mga shows at doon sila kumikita.

For October promo tour for their album, Oct. 16 sa Robinsons Roxas; Oct. 17 Robinsons Lipa and Robinsons Tacloban, Oct. 18, Robinsons Antipolo and Robinsons Imus; October 23, SM Sangandaan; Oct 25, SM Angono; Oct. 30, SM Molino.

Available na ang album ng MCA Music sa lahat ng Astroplus and Astro Vision outlets.

Alden at Yaya, drama na ang peg sa kalyeserye

Napuno ng saya at lungkot ang muling pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub kahapon sa Eat Bulaga.

Halos hindi sila nag-abot sa kalyeserye dahil si Yaya naman ang aalis, sakay na ng van, kaya hindi nakita ang reaksyon nina Alden at Yaya sa muli nilang pagkikita after eight days na wala sa show si Alden.

Iyak na iyak si Alden at ganoon din si Yaya na pupunta sa kanyang Lola Bebeng naman. Ang tilian at kasiyahan ng audience sa pagdating ni Alden ay napalitan ng iyakan sa nakita nila at sa mga bilin ni Lola Nidora kina Alden at Yaya.  Kahit sina Tito Sen, Allan K at Vic Sotto ay napaiyak din sa eksenang iyon.  Ganoon din sina Jose Manalo at Wally Bayola. Pangako na lamang ni Alden, hihintayin niya ang tamang panahon para sa kanila ni Yaya.

ALDEN ALDEN RICHARDS ALLAN K ANG ASTROPLUS AND ASTRO VISION CAMELLA HOMES EAT BULAGA ELHA NYMPHA FOR OCTOBER JOSE MANALO LOLA BEBENG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with