Kumpirmado itsapwera sa MMFF! Kathniel laglag kina Vice at Kris

MANILA, Philippines - Wala ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (KathNiel) sa mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasi nakabandera sa mga programa ng ABS-CBN ang bakbakan ng mga loveteam sa MMFF, JaDine (James Reid and Nadine Lustre), LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) at AlDub (Alden Richards and Yaya Dub).

Pero ang Kathniel, waley.

May ibig sabihin kaya ito?

Sinasabi kasing ang JaDine, personal choice ni Vice Ganda habang LizQuen ang napili ni Kris Aquino na makasama nila nina Mayor Herbert Bautista at Derek Ramsay.

Eh ang AlDub given na sa movie nina Vic Sotto and AiAi delas Alas.

Sharon umaatungal pag naalala si FPJ

Naging emosyonal si Megastar Sharon Cuneta nang lumabas sa stage ng Your Face Sounds Familiar si Kean Cipriano bilang ang namayapang Da King ng Filipino movies na si Fernando Poe, Jr. habang kinakanta ang Kamusta Ka noong episode last week.

“Thank you Kean, for respecting him by doing a great impersonation,” saad ng Megastar juror sa Rebel Rock Royalty.

Makikitang habang nagpe-perform si Kean ay kinakanta rin ni Mega ang Kahit Konting Pagtingin, na minsan na rin niyang inawit kasama si Da King sa pelikulang pinagsamahan nilang dalawa.

Bumilib nga si Mega pati ang kapwa jurors niyang sina Gary Valenciano at Boy Abunda, na nagsilbing special guest juror, kaya naman si Kean ang pina­ngalanang top scorer para sa ikatlong linggo ng kumpetisyon.

Sumunod naman sa ranking sina Sam Concepcion bilang Janet Jackson at Michael Pangilinan bilang Nick Jonas. Nagtabla naman sina Denise Laurel bilang Alicia Keys at Kakai Bautista bilang Sheena Easton pagkatapos ni Michael. Sunod sina Eric Nicolas bilang Bayani Agbayani, Myrtle Sarrosa bilang Armida Siguion-Reyna at huli naman si KZ Tandigan bilang si Bob Marley.

Sa darating na weekend (October 3 and 4) naman, abangan ang performan­ces ni Kean bilang Avril Lavigne, Sam bilang Rey Valera, Eric bilang Pitbull, Myrtle bilang Marilyn Monroe, Denise bilang Neyo, Kakai bilang Donna Cruz, KZ bilang Jessie J, at Michael bilang Michael V.

Sino ang magiging top scorer sa susunod na round?

Huwag palampasin ang linggo-linggong transformations ng walong celebrity performers sa all-new season ng Your Face Sounds Familiar, tuwing Sabado pagkatapos ng MMK at tuwing Linggo pagkatapos ng Rated K. sa ABS-CBN.

Gabby Eigenmann pasok sa cast ng Beautiful Strangers

Laking tuwa at pasasalamat ng award-winning actor na si Gabby Eigenmann dahil kabilang na siya sa cast ng primetime series ng Kapuso Network, ang Beautiful Strangers.

 “Nagpapasalamat ako sa GMA for giving me another opportunity na mapasama sa cast ng Beautiful Strangers. Sana po tanggapin ng mga sumusubaybay ang bagong character ko na si Gani. I already felt the warm welcome sa first taping day ko nung Monday (September 28).”

Gagampanan ni Gabby ang role ni Atty. Gani, kinakapatid siya ni Noel (Rocco Nacino) na sa kalaunan ay magkakagusto kay Kristine (Heart Evangelista).

 Hindi naitago ni Gabby ang kanyang excitement na makatrabaho ang buong cast ng serye at ang pagkakataong makasama muli sa iisang proyekto ang kanyang mga kaibigan na sina Benjamin Alves at Lovi Poe. Huling nakatrabaho ni Gabby si Ben sa Afternoon Prime series na Dading, habang si Lovi naman ay nakasama niya sa isang episode ng Magpakailanman.

Mapapanood si Gabby Eigenmann bilang Atty. Gani sa Beautiful Strangers pagkatapos ng Marimar sa GMA Telebabad

MTRCB 30 Years na

Ang Movie and Television Review and Clas­sification Board (MTRCB) ay maglulunsad ng isang natatanging commemorative book na pinamagatang Empowering the Filipino Family bilang bahagi ng ika-30 taong anibersaryo nito na gaganapin sa Luxent Hotel sa Oktubre 5.

Sa panguguna ng writer at executive director na si Alfred “Krip” Yuson, kasama ang associate editor na si Marra Lanot at principal photographer na si Milo Sogueco, ang libro na nahahati sa siyam na chapters ay sumasalamin sa kasaysayan ng MTRCB. Tampok sa hardcover ang artwork ni Dranreb Angelitud na nanalong third place sa poster-making contest ng ahensya noong nakaraang taon.

Makikita sa commemorative book ang overview ng mga naging MTRCB board leader sa nagdaang mga taon. Mababasa rin dito ang isinulat ni Jose Lacaba tungkol sa media control at censorship noong Martial Law at ni Bibeth Orteza tungkol naman sa dating MTRCB chief na si Armida Siguion-Reyna.

Nasa anniversary book din ang tung­­kol sa modernization pro­jects ng MTRCB, updates sa iba’t ibang initiatives ng ahensya, ang boses ng mga empleyado, ang present board members, at maging ang kasalukuyang MT­RCB Chairperson na si Atty. Eugenio “Toto” Villareal.

Isa pang maituturing na highlight ng ika-30 taong anibersaryo ng MTRCB ang pagtatapos ng scriptwriting contest ng Senior Citizen Committee. 62 entries na naka-sentro sa empowerment ng mga (sundan sa pahina 5)

nakatatanda ang naisumite sa ahensya at ang awarding cere­mony para sa top three winners ay gaganapin sa mismong anniversary celebration.

Ang top entrant ay mananalo ng Php 30,000.00 cash habang ang second at third placers ay magkakamit naman ng Php 20,000.00 at Php 10,000.00. Ma­a­aring tumulong ang MTR­CB na humanap ng producers para sa mananalong full-length screenplay upang gawing film o kaya naman movie para sa telebisyon.

“The board will continue to create and implement innovative initiatives that will promote a va­lue-oriented media and entertainment culture,” sabi ni Chair Toto. (SVA)

Show comments