Brian ayaw makita sina Sam at Myrtle
Jun Nardo (Pang-masa) - September 14, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Invited din pala si Brian Poe-Llamanzares sa nakaraang Star Magic Ball bukod sa kanyang parents. Pero dumalo si Senator Grace Poe kasama ang kanyang asawa.

Siyempre, present din sa ball sina Sam Concepcion at Myrtle Saroza na ex-gilfriend ni Brian. Malamang na pagpistahan din siya kung present siya sa event na ‘yon. Eh, alam ng lahat na mas interesado si Brian kay Jasmine Curtis-Smith gaya ng mga ipinakikitang gestures niya.

Eh, between Jasmine and Myrtle, mas maganda naman ang impression ng bagong crush kesa sa da­ting dyowa, huh!

Alden lunod na lunod na sa blessings!

Walang patid ang blessings na dumarating kay Alden Richards. Ima­gine, replay na nga ang episode ng Magpakailanman last Saturday, aba, pa­nalo na sa ratings, trending pa sa Twitter  nationwide at worldwide, huh!

Nilahukan lang ni Mel Tiangco ng interviews kay Alden ang naganap bago at during the airing of the episode.  Pero nandoon pa rin ang dating hitsura ng aktor na nabigyan man ng malaking breaks eh, ngayon lang siya nakadama ang malalakas na sigaw at palakpak ng mga tao.

Sa isang nakaraang mall show ni Alden sa isang probinsiya, punumpuno ang mall na umabot hanggang sa labas. May mga babae pang hinimatay para lang masilip ang mukha ng Pambansang Bae!

Miss Global na si Candice, gusto agad magparetoke?

Kinoronahan si Candice Ramos bilang 2nd Miss Global Philippines last September 5 sa Resorts World and Hotel. Siya ang magiging representative ng bansa sa ga­gawin ditong Miss Global International sa October 22 sa The Theater ng Solaire Resorts and Casino.

Ang PSL Productions ni Pauline Sofia Lipang ang nag-announce sa darating na event kung saan sila ang na­nalo sa bidding. Mahigit 40 candidates mula sa iba’t ibang country ang darating sa second week ng October para makipaglaban sa korona.

Eco-tourism ang gustong i-promote ng Miss Global Philippines. Ayon kay Candice, hindi ito ang una niyang pagsali sa pageant pero ito ang una niyang national title. Sixteen years old siya nang magsimulang sumali sa mga kumpetisyon, high school pa lang siya.

‘Yun nga lang, alam ni Candice na hindi siya puwedeng sumali sa Bini­bining Pilipinas peagent.

 “When I was 17 years old, Nag-posed ako sa men’s magazine sa FHM way back in 2004 I think. They don’t allowed candidates who posed in men’s mag,” rason ni Candice.

 “That’s why I don’t understand! They let you wear swimsuit as well. Ha! Ha! Ha! Eh, when I posed for FHM, I was wearing one piece (swimsuit)! That’s grabe!” saad pa niya.

Hindi ipinagkakaila ni Candice na 28 years old na siya. Alam niyang sa international competitions gaya ng Miss Global International, 35 years old ang age limit ng kandidata. Eh sa Miss Global Philippines, tumatanggap sila ng candidates na single mother. Itinanggi niyang single mom siya.

 “I’m single, single, single! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng beauty titlist.

Eh, pagdating sa beauty enhancement, pa­yag ba siya sumailalim?

“Yeah! Yeah! Of course. Seriously, if you feel you’re gonna be beautiful, you feel that will advance your career through it, go for it,” katwiran ni Candice.

Gusto niyang palakihin ang kanyang mga ngipin at paliitin ang ilong. “So why not?” sey niya.

As of now, aminado siyang natural ang ilang bahagi ng kanyang beauty. Wala pa raw ginawa sa body niya.

Graduate ng Tourism Management sa UP si Candice at tinatapos ang master’s degree sa same university sa kursong Urban Planning.

 

 

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BRIAN POE-LLAMANZARES CANDICE CANDICE RAMOS JASMINE AND MYRTLE MISS GLOBAL INTERNATIONAL MISS GLOBAL PHILIPPINES NBSP SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with