Coco lumabas na ang kadaldalan

Buking na buking na si Coco Martin. Ginulat niya ang mga movie press sa nakaraang pocket interview niya para sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN, ang Ang Probinsiyano na isang remake from the movie of the late movie king Fernando Poe, Jr. Buking si Coco dahil napakadaldal pala niya, isang tanong at ang sagot ay napakahaba.  Detalyado ang isasagot niya tungkol sa Ang Probinsiyano, at ang pagiging number one fan ni FPJ.

Walang kahirap-hirap kausapin at magtanong sa prinsipe ng drama sa TV, dahil utay-utay ang paliwanag niya.  E, si Coco ay kilalang silent guy, less talk, tahimik lang at mapag-obserba, at ito ang ugali ng yumaong si idol.  Titingin-tingin lang, pero pag nagsalita na grabe, kasi iisa-isahin niya ang paliwanag sa sagot ng tanong.  In other words, may mga bagay na similar ang hari at prinsipe.  Kaya nga kami nagulat kay Coco, masalita pala siya at mage-gets mo ang mga sinasabi at ipinapaliwanag. Hindi non-sense!

Coco ‘di pa tuli nang matutong manood ng pelikula ni FPJ

Para kay Coco, dream daw niya na maging ala FPJ.  Gusto niyang sundan ang yapak nito bilang aktor. Bata pa raw siya, binatilyo, tutuliin pa lang marunong na siyang manood ng pelikula. Mga action movies at halos lahat daw ng pelikula ng idol niya ay napanood niya.

Mahirap lang sina Coco, nag-aaral sa mababang paaralan at kahit paano may baon na sensilyo. Pero kesehodang hindi siya bibili ng kakanin sa recess pag showing ang pelikula ni FPJ sa sinehan na alam niyang puntahan. Manonood siya ng pelikula nito.  Paulit-ulit daw niyang pinanood ang Ang Panday hanggang last full show.

Suntok-rapido ni FPJ dapat matutunan

Sa Ang Probinsiyano, dual role siya, alagad ng batas, isang police Maynila.  Dito sila nagtambal ni Bela Padilla. Nang mabaril siya saka lamang lalabas ang isa pang Coco na tubong probinsiya. Ito ang papalit sa nabaril na police Maynila na inilihim sa mga kaaway.  Dito na makikita si Da King, matapang, rugged, brusko, walang kinatatakutan at makikita na ang mga action ni Da King na pinag-aralan ni Coco.  Dapat matutunan ni Coco ‘yung mga suntok-rapido ni Da King, yung sunud-sunod na suntok na umaangil.

Lito Legaspi panay ang bigay ng tips sa anak na si Zoren

Nakakatuwa ang mag-amang Lito Legaspi at Zoren Legaspi.  Magkasama sila sa MariMar na pambato naman sa primetime series ng GMA-7.  Nagbibigay ng advice si Lito sa anak kahit alam niyang magaling na artista si Zoren.  E, saan pa magmamana ito, edi sa kanya rin!  Sa totoo lang, maganda ang relasyon nilang mag-ama at maging si Kier Legaspi na abala rin sa harap ng kamera.

Mga istoryang tampok sa Wattpad, patuloy ang pag-ere!

Tuluy-tuloy pa rin ang TV5 sa series ng WATTPAD Presents bagama’t medyo rest muna sila dahil may ilang episodes ng WATTPAD Presents na nakunan na or may mga finished products na sila na maipalalabas na. Bukod pa sa may mga bagong TV shows sila na inihahanda ngayong pasok na ang “ber” months.

Show comments