Huli na ang lahat Robin malabo nang makapiling si Maria Ozawa

Para kay Cesar Montano talaga ang pelikulang Nilalang. Nang mag-beg off si Robin Padilla na gawin ang movie para bantayan ang asawang si Mariel Rodriguez na buntis noon subalit nalaglag din ang triplets kinalaunan, umayaw na ang isa sa producers na si Binoe talaga ang gustong magbida.

Eh, nang mahimasmasan si Binoe, naghatid daw siya ng feelers na gusto na niyang gawin na ang mo­vie. ‘Yun nga lang, huli na siya dahil sa producer na pumili sa kanya ay hindi na rin sumosyo sa proyekto.

May pumasok daw na bagong co-producer at si Cesar ang gustong magbida. So nagkaroon ng negosasyon sa aktor at nagkapirmahan na ng kontrata.

Biglang umatras ang dila male singer naduwag matapos sitahin ng mga big boss

Naduwag ang isang male singer na naging kritiko ng programang kinabibilangan niya nang mag-tweet siya sa reklamo nito. Sinita kasi ng top executives ng network ang ginawa ng male singer. Pangit nga naman tingnan na ‘yung show na nagbibigay sa ‘yo ng trabaho, eh kakalabanin mo pa! Ika nga, do not bite the hands that feed you!

So hindi na naglabas pa ng anumang pahayag ang male singer. Tiklop na siya’t ayaw mag-tweet pa, huh!

Mahirap nga namang mawalan ng trabaho at magandang exposure, huh!

AiAi ibinuko ang madilim na nakaraan ni Carlo!

Nagkabiruan ang “mag-ina” na sina AiAi delas Alas at Carlo Aquino nang magkita sa Victorino’s tungkol kay Jiro Manio. Isa rin kasi ang aktor sa nagbibigay ng suporta kay Jiro dahil sa nangyari sa kanya.

Tanong ni Carlo kay AiAi, “Ma, may foundation ka na ba?”

“Oo! Meron na!” sagot naman ni Ai.

“Tayo ka uli ng isa pa. ‘Yung mga dating child actors naman ang tulu­ngan mo na napariwara! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Carlo.

“Muntik ka na roon! Ha! Ha! Ha! Napraning ka rin, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!” banat ni AiAi.

“Medyo lang naman! Ha! Ha! Ha! Tapos na ‘yon!” sey ng aktor.

Nu’ng makasama raw kasi ni AiAi si Carlo sa Ang Tanging Ina, ang tawag niya sa da­ting child actor ay NR (no reaction). Kapag binabati siya eh, ang tipid ng ngiti at wala siyang pakialam sa mundo.

Madalas daw nilang i-bully kasama si Marvin Agustin ang bagets pa noon na si Jiro. Nu’ng panahon na ‘yon, maldito na ang dating niya at matapang kaya lumalaban at ‘yung bibig ay sagana sa hindi magandang salita.

So kasama si Carlo at Marvin, tulung-tulong sila ngayon upang bumalik ang normal na buhay ni Jiro.

Nang magpaalam si Carlo, tinanong siya ni Ai kung saan pupunta. May meeting daw siya sa isang indie director.

“May budget ba ‘yan?” tanong ng Reyna ng Komedya.

“Budget meal lang! Ha! Ha! Ha!” kaswal na sagot ni Carlo.

 

Show comments