Boyet nabighani sa ganda ni Paolo!

MANILA, Philippines – Napapailing si Christoper de Leon nang maimbitahang mag-judge sa Bulaga pa-more segment ng Eat Bulaga. Paano, hindi siya makapaniwala na ang nakikita niyang nakasuot ng pangbabae ay si Paolo Ballesteros pala. Medyo kinabahan naman si Boyet nang mapanood ang performance ni Ruby Rodriguez. Kakaiba kasi ang ginawa nitong stunts sa pagsasayaw, natalbugan din niya ang mga dancer ng mag-split ang mga ito sa ere. Hindi nakakapagtaka, parehong winner sila ni Paolo.

Jose at Wally iyakin

Inaamin ni Jose Manalo na idol niya si Chiquito, pero hindi niya akalaing papatok sila sa temang Dolphy at Panchito ang tandem nila ni Wally Bayola. Matinding magpatawa si Jose, pero pagdating sa mga kababayan na naghihirap at pinupuntahan para sa Juan for All, all for Juan, hindi nila maiwasang mapaluha. Maging ang bagong discovery nilang si Yaya Dub, nahuling sikretong umiiyak kapag naririnig ang pagtatapat ang binibigyan ng biyaya ng Eat Bulaga.

Mabuti pa ang Eat Bulaga, kahit hindi mga politiko, nagbibigay biyaya ng walang kapalit na boto.

Jose binuhusan ng asido si Alden!

May mga parents na nagkokomento hindi magandang joke ang ginawa ni Jose Manalo kay Alden Richard nang buhusan niya ng mapanganib na gamot sa mukha si Alden sa eksena nila sa Juan for All, all for Juan. Baka daw gayahin ng mga bata at may masamang epekto ito sa tao. Pakiusap huwag gawing biro lang ito, huwag naman delikadong biro tulad ng asido. Please lang po.                                                                 

Show comments