Marian ayaw magpagalaw kay Dingdong habang preggy!

MANILA, Philippines -  Present kahapon ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ipinatawag na meeting ng Liberal Party sa Club Filipino ayon sa reports sa radio. The night before ay present ang GMA Primetime Queen sa press launch ng GMA Sunday show na Sunday PinaSaya na mapapanood simula sa Agosto 9. Papunta na sa seven months ang dinadalang panganay nila ni Dong. Nakita na niya ang hugis ng mukha ng panganay pero pinagpipilaan pa ang second name ng “Little Marian” nila. Basta ayon sa aktres, merong Maria sa name ng magi­ging anak na sa second week ng November ang ini-expect niyang lalabas.

Gusto ni Yan Yan na maging normal ang deli­very ni Little Marian. Kaya naman panay rin ang exercise niya nang sa gayun ay maging normal ang kanyang delivery.

Eh, biniro namin si Marian. Bukod sa mga haplos ng asawa, puwede ba silang mag-churvahan? “Hindi ganoon ang asawa ko! Ha! Ha! Ha! Pero hindi naman mawawala ang lambingan! Ikaw, tsismosa ka! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

Bawal ba? “Ayyyyyy! Ha! Ha! Ha! Parang kaloka naman ‘yon! Ang laki na ng tiyan mo, ganoon pa (ang gagawin)? After na lang!” sakay naman niya.

Puwede pa raw, huh! “Alam ninyo, less priority namin ‘yon ngayon! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Marian.

Sa ngayon, hindi pa siya bumibili ng gamit para sa anak. Nagpapa-reserve lang siya para hindi maubusan. Ayaw rin niyang ihiwalay ng kuwarto ang bata.

Alden inaayos na si Julie Anne

Hindi maipagkakaila na nagkaroon ng bagong sigla sa career ni Alden Richards nang mapabilang siya bilang junior host ng Eat Bulaga ngayon. Mas lalong tumindi ito nang bigyan siya ng segment sa That’s My Bae at umarangkada ang hindi sinasadyang loveteam nila ni Yaya Dub na sikat na sikat ngayon.

Eh last Thursday, anniversary celebration ng Bulaga. Nasabay ‘yon sa “second weeksary” ng AlDub loveteam. Aba, trending ang dalawang okasyon sa Twitter!

‘Yun nga lang, nasa mas mataas na spot ang second weeksary ng AlDub kesa sa anibersaryo ng noontime show, huh!

Bukas, last episode na ng Sunday All Stars kung saan isa rin sa regulars si Alden. Pero hindi magtatapos bukas ang Sunday work ng aktor dahil bahagi siya ng Sunday PinaSaya na papalit sa programa, huh!

Kaya naman blessed na blessed ang feeling niya sa panibagong takbo ng career at init na natatanggap mula sa tao. “Masaya na ako nu’ng isina­sama-sama ako sa opening number. Pero ngayon, may sarili pa akong segment, tapos, may AlDub pa. Sunud-sunod po ang blessings na napunta sa akin since napasok ako sa Eat Bulaga,” pahayag ni Alden sa press launch ng comedy-variety show.

Eh ‘yung tuksuhan nila ni Yaya Dub, puwede bang mapunta sa totohanan? “Ayoko pong magsalita nang tapos. Lahat naman may possibility. Tingnan na lang po natin,” saad ng aktor.

Makakasama niya si Julie Anne San Jose sa Sunday PinaSaya. May tsismis na nagkasamaan sila ng loob ng singer-actress. Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang show? “Hindi po. Hindi po. Tapos na po ako sa phase na ‘yon. Sino ba naman ako para hindi umokey sa makakasama?

“Ako po, matagal nang naka-let go sa past issues. Okey na kami (ni Julie Anne). Naayos na po namin ‘yon. So ngayon, we’re just excited to be together in a show. Siyempre, ang lahat ng makakasama ko rito, bago. Sina Julie at Barbie (Forteza) ang nakasama ko na.

“We’ll see po kung magwu-work ‘yung comedy sa noontime,” sey niya.

Wala na raw isyu sa kanila ni Julie Anne. Nanligaw ba siya at pinaasa? “Wala pong ganoon. Wala naman pong pinaasa. Walang ligawan. Siguro, naging iba lang po ang naging relationship naming dala­wa ni Julie Anne. So medyo nagkaroon lang po ng misunderstanding pero naayos din eventually. Nga­yon, work, work lang po!” diin ni Alden.

Kasama ni Alden sa Sunday PinaSaya sina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola at iba pa.

 

Show comments