Lovi hindi umepal sa tukaan nina Rocco at Heart!
Jun Nardo (Pang-masa) - July 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Takot nang turuan ni Rocco Nacino ang girlfriend na si Lovi Poe ng jiu jitsu. Eh sa September, nakatakda siyang lumaban sa Japan lalo na’t pinayagan na siyang um-absent sa taping ng bagong GMA series na Beautiful Strangers (BS).

Eh, nang magpaturo raw ang girlfriend ng jiu jitsu, ang bilis daw nitong pumik-ap kaya naman umayaw na si Rocco.

“Ayoko na siyang turuan! Ha! Ha! Ha! Baka magulpi ako! Ang bilis matuto eh! May tinuro minsan ako sa kanya, ang bilis niyang nakuha! Ayoko! Ha! Ha! Ha! Magugulpi ako nu’n pag tinuruan ko! Nakakatuwa dahil she’s a fast learner,” pahayag ni Rocco sa press launch ng bagong GMA series.

Magkasama muli sina Rocco at Lovi sa BS pero mas lamang ang romansa ng aktor sa friend ng girlfriend na si Heart Evangelista.

“Nakakatuwa kasi dahil awkward sa simula. Sinabi niya (Lovi), ‘Alam mo, sa workshop natin, nakita ko kayo, ang cute ninyo ni Heart!’ So parang nabuo at nakakatuwa na ‘yung suporta galing mismo kay Lovi. ‘I find you and Heart to be a good team. You should do your best!’

“Nakakatuwa. Lalo akong humanga sa kanya bilang aktor and of course, a partner,” katwiran ng aktor.

Hindi na rin ipinagpaalam ni Rocco ang kissing scene nila ni Heart. “Hindi na. Alam kong maiintindihan niya and of course, may intimate scenes din siya. Hindi rin niya kailangang magpaalam,” saad pa niya.

Teka, mukhang smooth ang relasyon nila ni Lovi dahil wala pang balitang nagkaroon sila ng issue.

“Tama ang term. Smooth and growing!” diin ni Rocco.

More than a year na ang relasyon nila.

“On the aspect of being mature, being smart. One thing to learn more, nag-i-invest na rin kami (sa negosyo). Ako sa Rufo’s sa tapat ng GMA at siya sa Cable Car,” sey pa ng aktor.

Bukod sa negosyo, sumasailalim si Rocco sa aesthetic nursing practitioner program. “Para humaba ang pangalan ko! Ha! Ha! Ha! Saka para marunong na akong gumawa ng procedures. Aim kong the male Vicki Belo! Ha! Ha! Ha!” wish ni Rocco.

Anyway, sa August 10 ang pilot telecast ng Beautiful Strangers at kasama rin nila sa cast si Christopher de Leon.

Iya parating itlog ang pinapakain kay Drew

Certified foodie si Drew Arellano kaya naman swak na swak sa kanya ang maging host ng San Miguel Purefoods Home Foodie na mapapanood sa August 10, Lunes hanggang Biyernes after Unang Hirit sa GMA-7 at sa August 15 tuwing Sabado at Linggo sa GMA News TV after Balitanghali.

Kasama ng host ang mga chefs ng San Miguel Foods Culinary Center na sina Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz at RJ Garcia upang ipamalas ang paraan ng pagluluto ng pagkaing mula sa produkto ng San Miguel Corporation (SMC).

Eh, ang asawang si Iya Villania, madalas na itlog lang ang alam lutuin kaya malaking tulong itong matututunan ni Drew sa programa upang magkaroon din ng kaalaman ang asawa sa paggawa ng ibang putahe.

Sa programa ni Drew na Aha! kung saan madalas siyang bumiyahe sa ibang probinsiya, natikman na niya ang iba’t ibang klase ng exotic food na kinailangan niyang kainin for the sake of entertainment. Kaya sa Home Foodie, masarap, masustansiya at abot-kayang pagkain ang puwedeng lutuin ang matitikman ng manonood.

Nako, may bago na namang show, buti naman at nagtatabi sa kama sina Drew at Iya, huh!

“Every single night of my life!” diin ni Drew sa presscon.

Kelan pa ‘yung baby?

“Next year! Darating din ‘yon. Pero ang importante, katabi ko na ang asawa ko pagdating ng alas nuwebe (nang gabi). Parati!” tugon ng host.

Paano pag out of town ang taping niya?

“May picture ako! Katabi niya,” sagot niya.

Nabubuhay si Iya sa picture lang niyang katabi?

“Oo! Overnight lang naman ‘yon!” rason ni Drew

Pasensyoso naman daw sa isa’t isa sina Drew at Iya. Matapos nilang maghintay ng sampung taon bilang lovers, hindi problema kung dumating pa ang ilang taon bago sila magkaanak.

Eat Bulaga pinagdamot si Yaya Dub

Hindi pinayagan ng Eat Bulaga (EB) na rumampa sa Yes! anniversary si Yaya Dub (Maine Mendoza). Nahilingan kasi ang TAPE, Inc. producer ng noontime show na i-grace ng last TV sensation ang okasyon.

Hindi lang kasi sa manonood at kabataan hit na hit si Yaya Dub kundi ma­ging sa entertaimment press din na nakakasubaybay sa loveteam nila ni Alden Richards sa EB. Maging sila ay aliw na aliw rin sa landian ng dalawa.

ACIRC ANG BEAUTIFUL STRANGERS DREW EAT BULAGA IYA LOVI NAKAKATUWA NIYA ROCCO YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with