Walang yaya kapag lumalabas Ogie at Regine tutok kay Nate
Jun Lalin (Pang-masa) - March 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Magkakasama sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Nate Alcasid sa Capitol Commons, Pasig City noong Saturday night.

Nag-dinner doon ang pamilya Alcasid dahil sinundo nina Regine at Nate si Ogie sa taping nito ng Rising Stars Philippines sa may TV5 studio sa Reliance St., Mandaluyong.

In fairness, ang mag-asawa mismo ang nag-aalaga kay Nate nang gabing ‘yon dahil wala akong nakitang yaya na kasama nila.

Si Ogie ang may karga-karga kay Nate na medyo inaantok na.

Tuwang-tuwa nga pala si Ogie na ikinuwento sa akin ang pagte-trending that night sa Twitter ng Ri­sing Stars Philippines.

Very proud si Ogie sa bago niyang show sa Kapatid network.

Onemig may problema pa rin sa nakahiwalayang asawa?

Nakita ko naman sa isang mall sa Capitol Commons si Onemig Bondoc.

Kasama ni Onemig ang panganay niyang anak na si Armelle na nagpapasukat ng salamin.

Wala ang bunso ni Onemig na si Antoine dahil nasa pangangalaga ito ng estranged wife ng businessman/actor.

Richard, Sarah at baby Zion inunahan na ang pamilya sa Bali 

Niyaya ako ni Annabelle Rama sa bahay nila sa Makati City noog Saturday night.

Si Ruffa Gutierrez at mga anak na sina Lorin at Venice Bektas lang ang naroon na kasama ni Bisaya at Eddie Gutierrez.

Nakaalis na raw sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Baby Zion papuntang Bali, Indonesia.

Nauna nang umalis sina Richard, Sarah at Baby Zion para ma-enjoy nila ang beach bago pa man dumating ang ibang mga kapamilya para sa shooting nila roon ng reality TV series nila sa E! Asia, na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Pare-parehong mahilig mag-beach sina Ri­chard, Sarah at Baby Zion.

Ngayong araw na ito naman ang alis nina Ruffa, Bisaya, Tito Eddie at iba pang miyembro ng pamilya Gutierrez papuntang Bali.

Kontrata ni Manny sa GMA pang-acting at hosting lang

Ayon sa Solar Sports big boss na si Mr. Wilson Tieng, walang problema sa GMA Network, Inc. ang desisyon nila na sabay-sabay na ipalabas sa ABS-CBN, TV5 at GMA-7 ang laban ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr. dahil ang pagiging exclusive raw ni Pacman sa Kapuso network ay hindi saklaw ang pagiging boksingero nito.

Exclusive talent daw ang Pambansang Kamao sa Siyete bilang actor/host.

ACIRC ANG ANNABELLE RAMA BABY ZION BISAYA CAPITOL COMMONS EDDIE GUTIERREZ FLOYD MAYWEATHER NATE OGIE ONEMIG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with