Sikat na character actor, initsapuwera ang tumulong na direktor
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 27, 2015 - 12:00am

Masama ang loob ng isang baguhang director na isa ring aktor dahil binigyan niya ng trabaho at isinama sa pelikula ang isang character actor.

Siya ang pinagkakatiwalaan ng mayamang produ dahil bilib sa director. Pero naiimbiyerna ito dahil kapag may gustong sabihin ang aktor ay itsapuwera na si Direk at dumidiretso na ito sa mayamang produ.

Nagtataka si Direk kung bakit hindi sa kanya sabihin ni character actor kung mayroon siyang problema at gustong sa produ makipag-usap. Hindi kaya may motibo ang pagdiretso ng character actor sa produ? Puwedeng binubuhat nito ang sarili para makapag-direct din at puro pintas ang sinasabi sa baguhang actor-director, ‘di kaya?

Ang sinungaling mong puso sa love hotline

Maganda ang episode ngayong Biyernes sa Love Hotline kung saan ga­gampanan ni Andrea Torres ang karakter ni Michelle Eusebio ang babaeng naghihinalang ginawa siyang ‘other woman’ ng kanyang live-in partner ni JR na gagampanan ni Vince Velasco. Minahal nang husto ni Michelle si JR kaya nag-live in ang dalawa. Nitong Valentine’s day hindi nakapag-date sina Michelle at JR dahil nagpaalam ang lalaki na dadalaw sa kanyang magulang. Ano ang gagawin ni Michelle nang mahuli si JR sa isang mall na may kaakbay na babae at may nilalaro na bata?

Samahan sina Jean Garcia at love expert na si Aiza Tabayoyong para sagutin ni JR ang lahat ng katanungan ni Michelle? Matutunghayan ang Love Hotline ngayong Biyernes pagkatapos ng Kailan Ba Tama ang Mali? sa GMA 7.

AIZA TABAYOYONG ANDREA TORRES BIYERNES DIREK JEAN GARCIA KAILAN BA TAMA LOVE HOTLINE MICHELLE MICHELLE EUSEBIO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with