Umubra ang pagiging manghuhula? Bearwin Meily, unang lucky star na nagwagi ng P1-M
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - March 26, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Binansagang Hari ng Sablay ang komedyanteng si Bearwin Meily sa bagong season ng hit game show na Kapamilya Deal or No Deal dahil sablay lagi ang prediksyon nito sa nilalamang halaga ng kanyang briefcase sa tuwing naglalaro ang kanyang kapwa Lucky Star.

Ngunit noong Lunes (Mar 23), tumama sa wakas si Bearwin sa kanyang hula dahil ang kanyang briefcase number 14 ang naglalaman ng isang mil­yong jackpot kaya naman siya ang hinirang na unang celebrity millionaire para sa season na ito.

Intense ang laro ni Bearwin dahil tanging P1 mil­yon at P100,000 na lang ang natitira sa money board.

Naging emosyonal ang komedyante at piniling tanggihan ang offer ni Banker na P614,000 para na lang makapagpasaya ng mga manonood.

“Kapamilya, andito ako para maglaro. From the very beginning, binigay lang sa akin ang briefcase na ito. Binunot lang ‘to. Pera lang ‘yan. Isang buwan ubos na ang P614,000. I want to play,” sabi ni Bearwin bago mag-No Deal sa offer.

Tayuan at hiyawan na ang studio audience pati kapwa niya Lucky Stars hanggang sa binuksan na nga ng host na si Luis Manzano ang briefcase.

Takbuhan ang celebrity briefcase holders sa stage at agad binati at niyakap si Bearwin.

“Wala akong ibang gusto sa episode natin kung hindi mag-enjoy tayong lahat. Hindi ako tumingin sa pera. Pera lang ‘yan. Sandali lang yan,” paliwanag niya.

“To be honest, hindi ko ipinag-pray na makuha ito although hindi ko rin ibibigay ito sa inyo,” biro pa ni Bearwin.

Sa natitirang Lucky Stars na maglalaro, may mag-uwi pa kaya ng milyon?

Pakatutukan ang Kapamilya Deal or No Deal, Lunes hanggang Biyernes, 5 PM sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

BEARWIN BEARWIN MEILY BINANSAGANG HARI KAPAMILYA DEAL KAPAMILYA GOLD LANG LUCKY STAR LUCKY STARS NO DEAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with