Maverick habulin na ng mga babae
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 19, 2015 - 12:00am

Inamin ni Zoren Legaspi na sapat na muna sa kanila ang kambal nila ni Carmina Villaroel na sina Cassandra at Maverick. Kung sila ang masusunod, ayaw nilang papasukin ang kambal sa showbiz. Nagpapasalamat nga si Zoren na naging normal ang childhood ng mga anak.

Natutuwa rin ang aktor kapag nakikitang hinahabol ng mga babae si Maverick. Fourteen years old na ang bagets at kilalang-kilala dahil sa mga TVC ng kanilang pamilya.

Rocco mapagmahal sa matatanda

Kabi-kabila ang ginagawang charity event ng mga artista kapag idinaraos ang kaarawan. Sa halip na gumastos ng malaking halaga para sa pagdiriwang ng kaarawan ay pinasasaya nila ang mga bata o matatanda.

Pinakahuli sa nag-celebrate ng kaarawan si Rocco Nacino kapiling ang mga matatanda sa Bahay Aruga sa pakikipagtulungan sa kanya ng fans at GMA-7.

Likas kay Rocco ang pagmamahal sa nakatatanda kaya naman tuluy-tuloy ang mga blessing na natatanggap ni Rocco. Sa March 21 pa ang kaarawan ni Rocco at wish niya na patuloy na gumanda ang kanyang career. Stable ang relasyon nila ni Lovi Poe at sunud-sunod ang kanyang mga proyekto dahil may ibubuga ito pagdating sa aktingan.

May pelikula sa Sinag Maynila si Rocco at siya ang bida sa Balut Country na mapapanood sa SM Cinemas simula sa Biyernes.

BAHAY ARUGA BALUT COUNTRY CARMINA VILLAROEL LOVI POE ROCCO ROCCO NACINO SA MARCH SINAG MAYNILA ZOREN LEGASPI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with