Dolphy, nagparamdam kay Eric
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 14, 2015 - 12:00am

Nakakuwentuhan namin si Eric Quizon sa thanksgiving party nila for the press kasama sina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi.

Ayon kay Eric, kahit nahirapan siya sa pagma-manage ng mga ari-arian ng kanyang ama kung siya ang inappoint ng daddy niya na administrator ay maayos naman ang lahat.

Inamin din ni Eric na hindi siya nakadalaw sa puntod ng kanyang ama kaya nagparamdam ito minsan sa kanya.

Nagbawas ng timbang si Eric dahil gusto na nitong balikan ang pag-aartista.

Zoren, may mensahe sa mga sikat

Nakausap din namin si Zoren Legaspi sa Thangksgiving Party at nagbigay ito ng magagandang mensahe tungkol sa mga kabataang artista.

‘‘Dapat ang mga kabataang artista ay hindi magbago laluna kapag nakamit na nila ang tagumpay. Darating ang araw na maglalaho rin ang tagumpay na ito. Magiliw sa fans sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya mahal ng mga tao. Kaya sikat na sikat ngayon. Sana huwag silang magbago. Ma-maintain sana nila ang kanilang kasikatan,’ pahayag ng aktor.

Sa kabilang banda sinabi nito na kung sila ang masusunod ni Carmina, mas gusto nilang mag-concentrate muna sa pag-aaral ang mga anak. Natutuwa sila kapag nakikita ang kanilang mga anak kasama ang mga kaeskwela.

AYON CARMINA VILLAROEL DANIEL PADILLA ERIC QUIZON KATHRYN BERNARDO THANGKSGIVING PARTY ZOREN LEGASPI ZOREN LEGAZPI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with