Sharon sinupalpal ang bashers sa ‘pagbabalik’-Kapamilya!
Jun Nardo (Pang-masa) - March 9, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Balik-Kapamilya na ngang talaga si Sharon Cuneta. Blind item man ang TV plug sa pagbabalik ni Shawie, obvious namang siya ang tinutukoy dahil sa mga salitang “Na-miss ninyo ba Sha?” “Abangan ang kanya mega-comeback!”

Kaya naman supalpal ang bashers ni Shawie sa pagsasabing drawing ang pagbabalik niya sa ABS-CBN, huh! Totoo ang shout out niya sa kanyang Facebook account last week at ngayong araw na nga ito ang official an­nouncement ng ABS-CBN sa “return of the comeback” ni Mega sa Dos!

Hindi lang kami sure kung present si Sharon sa announcement ng ABS-CBN. Dapat lang, para na rin makita ang pruweba sa balitang pumayat na siya.

Kasama si Sharon sa Your Face Sounds Familiar matapos magbalik sa Kapamilya.

Jillian napanatili ang ganda ngayong nagdadalaga na

Ten years old na ang dating child star na si Jillian Ward at in fairness, napanatili niya ang ganda ngayong nagiging dalagita na siya, huh!

Sa nakaraang 10th birthday ni Jillian, nakasalamuha niya ang mga street kids na inaalagaan ng isang non-governmental organization na Onesimo Bulilit Foundation. Nangyari ang bonding ng child actress sa Star City na ikinatuwa ng mga batang nabahagian niya ng kasiyahan at blessings.

Matutunghayahan sa bagong GMA prog­ram na Pari ‘Koy si Jillian na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Father Kokoy na pari man ang propesyon ay astig ang dating sa pakikisalamuha sa mga tao sa pinamumunuan na parokya.

Death threats kay Erich may kinalaman sa lovelife?!

Mawawala na siguro ang death threats kay Erich Gon­zalez ngayong magtatapos na this week ang Two Wives nila nina Kaye Abad at Jason Abalos. Niwiwirduhan lang kasi kami sa isa niyang pahayag na dahil daw sa role niya sa Kapamilya series, eh nakakatanggap siya ng death threats, huh!

Para naman tanging siya lang ang artistang may ganoong pahayag, huh! Ano ‘to?

Pero nang magtanung-tanong kami kung anong mundo mayroon ang boyfriend ni Erich, saka kami nag-isip na baka may kinalaman ang lovelife niya sa death threats, huh!

Anyway, sa farewell promo ng cast ng TW, pangaralan nga ‘yang si Jason na nag-lip synch na nga at may ghost singer, aba hindi pa masabayan ang kanta sa ASAP 20 kahapon, huh!

DINGDONG DANTES ERICH ERICH GON FATHER KOKOY JASON ABALOS JILLIAN JILLIAN WARD KAPAMILYA KAYE ABAD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with