John Spainhour kulang sa acting, baluktot pa rin ang dila
Jun Lalin (Pang-masa) - March 4, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ang sexy pictorial ng Mr. World 2014 representative na si John Spainhour para sa Euphoria Maxx, ang produktong dating in-endorse ng mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles.

Nagpalit na ng endorser ang nasabing produkto dahil hindi na sila libido enhancer at energy and muscle builder supplement na.

Nag-aartista na rin si John at marami na siyang acting assignments, pero ang payo sa management na humahawak sa kanyang career, dapat ipag-acting workshop ang model turned showbiz newcomer.

Dapat ding mag-aral magsalita ng Tagalog si John para hindi maging limitado ang kanyang acting assignments.

Marami na ang half-Pinoy, half-foreigner na hindi nagtagal ang showbiz career dahil hindi naging fluent sa Tagalog.

Sumusubok na namang mag-audition aktor hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na mapasok ang Hollywood

Speaking of half-Pinoy, half-foreigner actors, ang isa sa kanila na hindi na masyadong mainit ang career sa ‘Pinas ay madalas palang magpunta sa Amerika kapag may pagkakataon para mag-audition sa ilang projects doon.

Nagtagal na noon sa Amerika ang aktor na tinutukoy ko at sinubok na mapasok ang Hollywood, pero hindi siya naging matagumpay noong una.

Nagbalik si aktor sa bansa at ipinagpatuloy ang kanyang iniwang showbiz career at nagkaroon naman ng ilang mga proyekto, pero hindi na naibalik ang dating init ng kanyang career.

Ayon sa nakausap ko, hindi pa rin daw gini-give-up ni aktor ang pangarap niyang ma-penetrate ang Hollywood.

BF ni Ruffa bibida sa third season ng It Takes…

Dahil sila mismo ang producers ng reality TV series nila sa E! Asia na It Takes Gutz to be a Gutierrez, pare-parehong busy ang magkakapatid na Ruffa, Elvis, Richard, at Raymond, pati ang parents nila na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa paghahanda para sa third season ng kanilang show.

Abala si Ruffa kahapon sa pagbo-book ng airline tickets para sa shoot nila sa last week ng March, pero ayaw niyang i-reveal kahit sa akin kung saan ‘yon.

“Top secret!” ang tanging sinabi sa akin ni Ruffa at kahit isinasama niya ako roon, ayaw talaga niyang sabihin kung saan ang kanilang location at kung anu-ano ang gagawin.

Excited si Ruffa sa kanilang third season na ang dinig ko, karamihan sa shoot niya ay kasama ang boyfriend na si Jordan Mouyal.

Very open na nga si Ruffa ngayon sa mga detalye ng relasyon nila ng kanyang foreigner-boyfriend.

AMERIKA ANNABELLE RAMA AUBREY MILES EDDIE GUTIERREZ EUPHORIA MAXX IT TAKES IT TAKES GUTZ JOHN SPAINHOUR RUFFA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with