Ipinagsigawan pa para sa promo ng kanyang website?: Kris never minahal ni Herbert

After some time, ngayon lang nagsalita si Kris Aquino tungkol sa naging love affair nila ni Mayor Herbert Bautista. Mind you, hindi iyan sa isang interview, at walang pumilit sa kanyang magsalita. Siya mismo ang nagboluntaryong ilabas ang kanyang kuwento sa kanyang website na malamang ay gusto niyang i-promote. Talagang makikita mo, na siguro nga nasak­tan siya sa mga nangyari. Kaya hindi siya nakapagpigil na sabihin iyon, after all “no one has refused Kris Aquino that way before.”

Pero may dalawang linya sa nabasa naming statement niya na nakatawag ng aming pansin. Una, inamin niyang nagkamali siya dahil sa pag-aakala niyang ok na ang lahat, bigla niyang inilabas lahat iyon sa kanyang TV show.

Sabi niya, “nagkamali akong magsalita tungkol sa kanya sa A&A (Aquino & Abunda Tonight), nang sumunod na araw sa pamamagitan ng telepono, nakipag-break siya sa akin.”

May isa pang punto, “Napansin ko, hindi niya sinabi sa akin na mahal niya ako, basta ang sabi lang niya pagod na siya.”

Kasi maliwanag naman pala ang sinabi ni Mayor Bistek, “pagod na ako sa ganitong buhay at naghahanap ng isang makakasama sa buhay ko, puwede ka ba?” So ang hinahanap ni Mayor Bistek ay isang makakasama. Inamin din naman ni Kris iyon ang pinaka “unromantic” proposal na na­rinig niya. Kaya maliwanag na wala naman palang naganap na romance. Ni hindi sina­bing in love sa kanya. Basta pagod na sa ganoong buhay at naghahanap ng makakasama.

Nasaktan si Kris dahil siguro nga ang inaasahan niya ay isa na iyong bonggang love affair na hindi naman pala. Siguro, kung hindi siya nagkamali, at nagkaroon ng pagkakataon si Mayor Bistek na ilagay muna sa ayos ang lahat, it can turn out good. Eh may mga sabit din namang iba si Mayor, at natural magre-react ang mga iyon kung mabibigla. Natural lang naman kay Mayor Bistek na umurong kung affected ang kanyang mga anak. Mahal niya ang mga anak niya. Hindi niya nasabi iyon kay Kris.

Kaya kung iisipin mo, sa sitwasyong iyan, sino ang may kasalanan? Hindi na rin naman bago ang mga bagay na iyan kay Kris. Nakailang love affairs na ba siya? Hindi mo naman masasabing bata pa siya at natangay lang ng kung anong damdamin.

Mga anak ayaw na talaga siya: Jackie kailangan matutong tumanggap ng katotohanan

Actually hindi rin namin maintindihan kung ano ang dahilan ng mga inilalabas naman ni Jackie Forster sa naging buhay nila noon ni Benjie Paras. Naghiwalay na sila. Annulled na ang kanilang kasal. Nakapag-asawa na rin naman ng iba at may mga anak nang iba si Jackie. May iba na rin namang asawa si Benjie. Ano ang dahilan para ungkatin pa ang mga hindi nila pagkakasundo noon?

Hindi nagsasalita ang mga bata, sina Andre Paras at Kobe Paras, pero maski kami nagulat sa sinabi nila noong mga unang interview nila noon sa telebisyon na happy na sila sa bago nilang nanay, iyong asawa ngayon ni Benjie. Mukhang mas kasundo nga nila ang madrasta nila kaysa sa nanay nila.

Kung kami talaga ang tatanungin, parang mas mabuti pang manahimik na lang si Jackie at pabayaan na lang niya kung anuman ang gusto ng kanyang mga anak. Mas masasaktan lang siya kung uulit-ulitin pa ng mga iyon na mas gusto na nila ang buhay nila ngayon kasama ang kanilang madrasta.

Masakit tanggapin pero kailangan matutuhan na niyang harapin ang katotohanan.

 

Show comments