BB Gandanghari inuunti-unti ang pagpapatanggal ng lawit

Nakausap namin si BB Gandanghari sa grand launch ng mga bagong shows ng TV5 na ginanap sa Sampaguita Gardens last Tuesday night. Kasama siya sa 2 1/2 Daddies kung saan ay makakasama niya ulit sa project after 21 years ang kanyang mga kapatid na sina Robin Padilla and Rommel Padilla.

Say nga ni BB, ang una nilang pagsasamang magkaka­patid ay ang action film na Mistah, 21 years ago and up to now, talagang hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao at feeling daw niya, ganito rin ang mangyayari sa bago nilang show.

Say naman ni Celia Rodriguez na kasama rin sa show, ang 2 1/2 Daddies daw ang “show that will end all shows.”

Ayon pa kay BB, kung noon daw ay Padilla brothers ang tawag sa kanila, ngayon daw ay Padilla siblings na.

Ang ganda-ganda ni BB ngayon at mukha na talaga siyang babaeng-babae. Kaya naman natanong sa kanya ng entertainment press kung nagpa-sex-change na ba siya at kung napaalis na ba niya ang kanyang private part.

“Secret,” ang unang sagot ni BB.

Pero hindi siya tinatantanan ng tanong ng press. When asked kung transitioning na ba siya, say niya, “oo, I’ve been transitioning. It’s a process. ‘Di ba, mas sexy ako ngayon kaysa last year?”

So natanggal na nga?

“Unti-unti. Isa na lang. Kasi sabi ko, huwag n’yong biglain,” say ni BB habang tawa nang tawa.

Paliwanag ni BB, ngayon daw kasi ay hindi na tinatanggal pero may operation pa rin daw.

Ang ginagawa raw niya ay hormone replacement muna dahil hindi naman daw puwedeng biglain ang mga bagay-bagay.

Nakalimutan na ang nangyari sa Bahay ni Kuya: Jane, Loisa, at Joshua hindi na nagseselosan

Ayon kina Jane Oineza, Loisa Andallo, and Joshua Garcia, hindi naman daw sila nagkaroon ng ilangan sa set ng seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Matatandaang na-link si Joshua sa dalawang girls noong time na nasa Pinoy Big Brother All In pa sila at dahil dito ay naaapektuhan ang friendship nina Loisa and Jane.

Pero paliwanag nila, noon pa naman daw naayos ang issue na ito. Say ni Jane, in good terms silang tatlo at happy siya na makakasama niya ang dalawa sa isang serye.

 “Okay lang din sa akin to work with them, nag-e-enjoy din naman kami. Actually happy ako for them kasi after PBB nagkaroon din sila, nagkaroon kami ng projects. I am very proud of them,” say ni Jane.

Say naman ni Joshua, wala naman daw dahilan para mailang siya dahil infatuation lang naman daw ang naramdaman niya noon for Jane.

Sa serye ay magiging love triangle ang tatlo at makakasama rin nila sina Vina Morales, Jerome Ponce, Denise Laurel, and Christian Vasquez.

Magsisimula na rin ngayong Lunes, Jan. 19 ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at 3:45 p.m.

Edgar may raket na agad sa nilipatan

Kapamilya na si Edgar Allan Cruz at first teleserye niya sa ABS-CBN ang Oh My G! with Janella Salvador. Pero ayon sa aktor, naging maayos naman daw ang paglisan niya sa TV5.

“Masaya ako at proud kong sinasabi sa inyong lahat na isa na akong Kapamilya and thank you, ABS-CBN sa pagtanggap sa akin at sa show na ito.

“’Yung show sa kabila (Tropa Mo Ko Unli), iniwan ko na rin po, mas prio­rity ko rito,” say ni Edgar sa presscon.

Tapos na naman daw ang kontrata niya sa TV5 last year at nagpaalaam ito ng maayos.

Ginagampanan ni Edgar Allan sa Oh My G! ang anak ng karakter ni Janice de Belen at excited siya sa serye at sa mga bagong mangyayari sa kanyang career sa ABS-CBN.

Show comments