Kahit judge pa si Pacman, MJ hindi siguradong masusungkit ang korona sa Miss U

MANILA, Philippines - Excited at happy si MJ Lastimosa, kandidata natin sa Miss Universe na gaganapin sa Miami, Florida dahil isa sa judges ay si Pambansang Kamao, Manny Pacquiao. Bagama’t hindi siya nakasisiguro kung makukuha ng ‘Pinas ang Miss U crown this year, kampante naman siya sa patutunguhan ng contest.

Anak ng dating aktres na si Vida Verde wagi sa Pinay Beauty Queen Academy

Ginanap kamakailan ang Grand Finals ng rea­lity show na Pinay Beauty Queen Aca­demy kung saan 20 kandidata ang naglaban-laban na kinuha mula sa 100 candidates na nag-audition.

Tumawag ng pansin sa amin si Katrina Verde, candidate number 14 dahil anak pala siya ng dating sexy actress na si Vida Verde na naging kaibigan namin noon. May maganda pala siyang anak at matalino pa.  Si Katrina ay 20 years old at may taas na 5’7. Taga-Tumauani, Isabela ang dalaga at may sukat na 34-25-34.

Sa 20 contestants, walo ang naging semi-finalists. Isa-isa lang tinawag at tinanong ang mga ito at dito nag-base ang mga judge sa intelligence factor. Mahirap ang tanonng kay Katrina pero nasagot niya ng maayos.

Nang tawagin ang pangalan ni Katrina bilang 3rd unner-up, umakyat si Fernan de Guzman, PMPC (Philippine Movie Press Club),  president, isa sa mga judge na nag-abot sa kanya ng premyo at flowers.

Nagwagi rin ng special award si Katrina na Tempo Choice Award. Siya rin ang nanalo sa Military Challenge Award. Halos magkasunod ang numero nila ng grand winner na si Joanna  Romero.

Ito ang kauna-unahang Pinay Beauty Queen Academy, hosted by beauty queen Ali Forbes at mataas ang ratings nito sa GMA.  (ROLAND LERUM)

Show comments