Kasal nina Marian at Dingdong siguradong babahain ng luha!
Jun Nardo (Pang-masa) - December 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Mabuhay ang bagong kasal!

Mamayang hapon na magaganap ang pag-iisang dibdib nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Imma­culate Conception Church along New York St. na malapit sa Cubao.

Komo nga bigatin ang mga sponsor at ibang celebrities na bahagi ng kasal, tiyak na lilikha ito ng malaking traffic along E. Rodriguez Avenue, Aurora Blvd at karatig na kalye!

No less than the President of the Philippines na si Noynoy Aquino ang Witness of Honor sa kasalan. Kaya naman secured na ang buong lugar the night before the grand wedding!

Exciting ngang daluhan ang kasal. Kaya lang, matindi tiyak ang security kaya sa reception na lang kami pupunta. At least, malamig sa SM Mall of Asia Arena kaya hindi kami maglalaput-lapot, huh!

Nakakatuwa rin na sa simbahan din ang tuloy ng relasyon nina Dong at Yan Yan. Inabot man ito ng ilang indulto, hindi sila nagpatalo at naging matatag sa intrigang dumating sa kanilang relasyon!

Naku, sa kasalan ngayong hapon, tiyak na babaha ng luha hindi lang sa Royal Couple kundi ma­ging sa naging saksi ng kanilang pagmamahalan, huh!

‘Yun nga lang, after ng wedding, ayaw magpaputok ni Marian ayon sa huli niyang interview sa press. Torotot na lang daw ang magaganap sa kanila ni Dong sa Bagong Taon! Ha! Ha! Ha!

Best wishes, Dong at Yan! Pag-win ni Zsa Zsa sa MMFF natabunan ng isyu

ang pagbebenta ng bahay nila ni Dolphy!

Natabunan ang panalo ni Zsa Zsa Padilla bilang Best Actress sa New Wave Feature Film na ipinamigay sa nakaraang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Isa ang movie ni Zsa Zsa na M (Mother’s Maiden Name) na ipinalabas sa New Wave Feature bago ang showing ng official entries sa MMFF nu’ng Pasko.

Pero ayon kay Atty. Joji Alonso na producer ng movie, ipalalabas next month ang M. Eh, may intriga ngayon kay Zsa Zsa, kaya naman magkakaroon siya ng chance upang linawin ang issue tungkol sa diumano ay balak niyang pagbenta sa bahay nila ni Dolphy.

Congrats, Zsa Zsa at kay Tita Gloria Sevilla na win ng best supporting actress sa nasabi ring movie.

AURORA BLVD BAGONG TAON BEST ACTRESS CONCEPTION CHURCH DINGDONG DANTES DOLPHY JOJI ALONSO ZSA ZSA ZSA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with