Mga taga-GMA walang alam sa show ni Willie Revillame!

MANILA, Philippines – Totoo bang iniiwasan at ayaw magpa-interview ni Kris Aquino kay Kuya Germs? Very visible kasi si Kuya Germs sa mga presscon ng mga Metro Manila Film Festival (MMFF) entries. Bukod-tanging sa presscon ng Feng Shui 2, si Coco Martin lang ang na-interview niya gayung nandun din si Kris. Nagtataka lang si Kuya Germs kung bakit hindi nagpa-interview sa kanya si Kris.

Sa walong pelikulang entries ngayon sa MMFF ay wish ni Kuya Germs na tangkilikin lahat ito ng manonood.

Walang idea si Kuya Germs sa napapabalitang magkakaroon ng bagong show si Willie Revillame sa GMA-7. Being one of the consultant ay inaasahang may info si Kuya Germs pero wala raw nga siyang alam. Maski kami na madalas sa GMA-7 ay walang naririnig tungkol dito.

Sabagay, maski ang mga tao sa loob ay sa labas lang nakikibalita. Ganyan sila ka-confidential sa loob ng GMA.

Abangan na lang natin ang formal announcement kung meron man.

Boy hindi na nagpapaka-stress!

Dinalaw namin sa set ng Abunda & Aquino Tonight ang mahal ng lahat na si Boy Abunda. Mukhang masigla, healthy, at back to his form na si Kuya Boy after niyang dumaan sa isang matinding karamdaman.

Sa kuwento ni Boy ay dumaan siya sa maraming series of test para malaman ang kanyang karamdaman. Halos 16 doctors daw ang tumingin sa kanya hanggang ma-check ang liver niya. Nagpapasalamat siya sa Itaas at naayos ang kanyang karamdaman. Dito raw niya napagtanto na kahit alam mo na kaya mong gawin ang lahat ng trabaho, may limitasyon ang ating katawan. Feeling niya na sa pagkakasakit niya ay tinapik siya ng Diyos na kailangan niyang maghinay-hinay at pabayaan na sa iba ang ibang trabaho. Kaya ngayon daw ay bago ang lifestyle niya at ibinigay na niya totally ang pamamahala ng Backroom sa mga trusted employees niya. Kung noon ay pinare-review sa kanya ang artist contract ay hindi na raw ngayon. Bawal na sa kanya ma-stress. Kung may mga importante at emergency lang puwede siyang konsultahin with regards sa Backroom.

Kaya ngayon fresh na fresh si Boy at natuto na siyang kumain ng mga prutas at gulay. Regular daw siyang nagba-badminton at nagja-jogging.

Show comments