Asawa ni John Estrada abala sa pagbebenta ng pastries

May sarili na palang bakery ang asawa ni John Estarda na si Priscilla Meirelles na tinawag nitong Brazilian Bakery sa Salcedo Market sa may Makati City.

Two months na itong pinatatakbong negosyo ni Priscilla na walang formal training sa paggawa ng pastries. Talagang nakahiligan lang daw ng misis ni John ang mag-bake at magluto na namana ng beauty queen sa kanyang mommy.

Tinawagan lang daw ng beauty queen ang kanyang mommy sa abroad at nagpaturo kung paano mag-bake ng mga pastries na kanya nang itinitinda ngayon sa bakery.

Happy si John na busy din ang kanyang beauty queen wife na sobrang bait daw kaya blessed na blessed siya. Idagdag pa ang napaka-cute nilang 3-year-old daughter.

Sa ngayon, busy si John sa pagsasamahan nilang project ni Andi Eigenmann na may working title na Hunted Theater. Sigurado raw na magugustuhan ng kanyang fans ang kanyang role dito.

Pagkatapos manalo bilang Best Supporting Actor sa katatapos na 28th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC), gusto pa rin niyang mag-kontrabida kay Coco Martin na ikina-flatter at ikinatuwa ng huli.

Marami pa raw dream role na gustong gawin si John. Kung mabibigyan daw siya ng chance, gusto niyang gumanap ng AIDS victim tulad ng kay Tom Hanks. Ideal din sa kanya ang maging masamang pulitiko pero magiging mabait at mag-iiwan ng magandang pagbabago sa kinasasakupan nitong lugar.

Hanggang ngayon ay thankful si John sa kanyang award, malaki raw ang naitulong sa kanya ng mga pinagdaanan niyang karanasan sa buhay kaya may pinaghuhugutan siya ng emosyon pagdating sa aktingan.

Show comments