Pauleen sinusungitan ni Vic ‘pag oras ng trabaho

MANILA, Philippines - Walang anggulong romantiko ang episode nina Vic Sotto at Pauleen Luna na Sirena sa festival entry na My Big Bossing. Ayaw nga lang sabihin ni Poleng (tawag sa aktres) kung ano ang role niya.

“Hindi ako sirena! I’m the villain. Totoo! Ako ang kalaban nilang lahat! Ha! Ha! Ha! Totoo nga!” sambit ni Pauleen sa amin bago ang presscon sa Guilly’s nu’ng Miyerkules.

Hindi naman siya umangal sa role niya?

“Hindi! I don’t know if you’ve noticed. Mahilig talaga ako sa…What’s the right term? Challenging roles?

“Nu’ng Lenten special namin (sa Eat Bulaga), kalbo ako. Tapos palagi akong…Mahilig ako sa out of this world na roles kaya I’m more than happy to do this,” sabi niya.

Kaya naman hindi masasabing tambalan nila ng boyfriend na si Bossing ang episode.

“Una, hindi siya tambalan. Hindi siya full episode,” rason ng Eat Bulaga Dabarkads.

Kumusta namang katrabaho sa movie si Vic bukod sa Eat Bulaga?

“It’s fun! It’s like working with him sa Eat Bulaga. Same lang,” tugon ni Poleng.

“Hindi naman kasi necessary ‘yung romantic scenes. You know, we’re actors. Hindi naman kailangan ‘yung personal life, ‘yun din ang makikita sa screen. I just don’t think na katulad nang sinasabi ng ibang tao na kailangan. It’s really not important,” katwiran ni Poleng.

Kumusta naman si Vic bilang producer? Galante ba sa kanya?

“Hindi! Ha! Ha! Ha!

“Strict! Ahhh, istrikto in the sense na ‘pag trabaho, trabaho. Pero…As a producer, huh! Sa lahat. Alam mo naman, ang trabaho, trabaho!

“Pero at the same time, mahilig maglaro sa set especially may Ryzza (Mae Dizon) kami. Light lang,” saad niya.

Hindi ba siya nagdalawang-isip bago tanggapin ang role na kontrabida?

“Bakit naman? Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

Kumusta naman ang relasyon nila ni Vic after more than three years?

“Happy and contented! May bashers pa rin pero dedma na! You really can’t please everybody!” sagot ni Pauleen.

Bukod nga pala sa Sirena episode, si Marian Rivera naman ang leading lady ni Vic sa Taktak episode at wala uling kapareha si Bossing sa Prinsesa episode kung saan tampok ang bagong child actor na si Alonzo Muhlach.

Jose hulugan at basag na diamond ang ibinigay na singsing kay Eugene

Binigyan ni Jose Manalo si Eugene Domingo ng singsing bilang tanda ng friendship nila. Dahil sa tuksuhan nilang ginagawa sa Celebrity Bluff, nabuo ang Jo-Ge loveteam na kinagigiliwan ng manonood tuwing Sabado ng gabi sa GMA.

“Mura lang naman ‘yung singsing! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Jose nang bisitahin ng press sa taping ng game show.

Magkano?

“Mura lang! Mumurahin naman si Uge!” ser­yo­song eklat ng komedyante.

Magkano nga talaga ‘yung singsing?

“Mura lang ‘yon sa kagaya kong artista! Hindi naman tayo bumibili ng mamahalin…” saad pa niya.

Magkano nga ‘yung singsing? Kunwari hindi namin alam na promo para sa show nila ‘yon.

“Kasi gusto niya kasi! Hindi niya ako inobliga. Friendship ring ‘yon. Friendship ring ‘yon para ‘yung relationship namin sa Celebrity Bluff, lalong gumanda!

“Kasi lumalalim na eh! Dalawang taon na rin kami. Alam mo ‘yung masaya na. Parang kaibigan. Malapit na roon!

 “Hayun, pa-ring nang pa-ring. Pina-ring ko naman ang cell phone, ayaw sumagot kaya bumili na ako ng singsing!

“Pero three gives naman ‘yon! Wala namang masama,” diin ni Jose.

Ilang carats ba ng diamond ‘yon?

 “Diamond pero hindi buo! May crack na! Mahal ‘yung buo. ‘Yung may tabas na! Ha! Ha! Ha!” sabi pa niya.

Sa tingin niya, nag-i-expect ba si Uge na ligawan niya?

“Oo! Parang gusto niya eh! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Jose.

“Ilang taon na rin ba siya? Sa tingin niya siguro, ako ‘yung lalaking ini-expect niya! Hindi naman masama ‘yon. Hindi naman siya lugi sa akin!” diin pa ng Eat Bulaga Dabarkads.

Show comments