^

Pang Movies

Tito Boy nagkakamay sa sosyal na resto ‘pag kumakain

PARINIGA NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Isa si Tito Boy Abunda sa natuwa sa pagbubukas ng isa pang branch ng Pamana restaurant na nasa likod lang ng ABS-CBN sa Mother Ignacia St. Quezon City.

Suki na kasi ng Pamana restaurant hindi lang si Tito Boy kundi maging si Nanay Lesing, kaya pati picture ng mag-ina ay part din sa mural collections na ipinagmamalaki ng isa sa owner na si Ms. Happy Ongpauco-Tiu sa Mother Ignacia branch.

Kuwento pa ni Ms. Happy na laging ganado at nagkakamay lang kapag kumakain si Tito Boy ng mga pagkaing Pinoy. Kahit sa kanilang Tagaytay branch daw ay dinarayo ito ng TV host.

Isa sa secret ng Pamana restaurant bukod sa mahuhusay nilang chef, hands on din si Ms. Happy na isa ring chef. Nagtapos ito sa Culinary Institute sa California U.S.A.

Nasa puso raw ni Ms. Happy ang pagluluto na namana niya mula pa sa kanyang sikat na dating artistang Lola Liberty Ilagan na siyang nagpauso ng crispy pata ng Barrio Fiesta noong 1952 pa.

Kaya thankful agad si Ms. Happy na kahit kabubukas pa lang ng Pamana sa likod ng ABS-CBN last Saturday ay bukambibig agad ang kanilang restaurant. Bukod sa masarap na kare-kare, crispy pata, bagnet, binakol, pansit Ibatan, mura ang presyo nila kahit na sosyal ang kanilang resto. Kaya pati sa mga magbabarkada ay may offer silang tinawag na “pambato special” sa murang halaga.

Ang Pamana ay may mga branch din sa Makati at Tagaytay. Meron din ito sa Canada, Dubai, at U.S.A. na frontline pa rin ang Barrio Fiesta. Aggressive ang Happy Concept Management sa pagbubukas ng mga restaurant na magkakaroon din ng branch sa Italy at U.K.

Ipinagmamalaki ng Regional Manager na si Mr. Arnold Quizon na ang mga empleyado at chef nila ay mula sa angkan, mga anak, at apo rin mula pa noong 1952 ng Barrio Fiesta.

Iñigo hinangaan sa ala- Michael Jackson na pagkanta

Maraming humanga sa boses ni Iñigo Pascual, ang anak ni Piolo Pascual sa pagbubukas ng ­Giant Christmas Tree Lighting, Fantasy Blooms last Friday sa Araneta Coliseum.

May ibubuga pala sa kantahan ang anak ni Piolo na ala-Michael Jackson ang banat. Dumating din ang ka-love team nitong si Sofia Andres sa movie nilang Relaks It’s Just Pag-ibig na sweet-sweetan ang dalawa sa nasabing event. Pero nag-deny ang mga ito na may something na sila. Mukhang walang gustong umamin kina Iñigo at Sofia dahil pinagbabawalan pa raw sila ng kanilang network.

Nagpasaya rin at nagpakuwela sa event si Vice Ganda kahit daw may sakit siya. Dumating din si Richard Yap na hinanap sa kanya si Jodi Sta. Maria. Humirit din si James Reid na hiniyawan ng mga bagets sa event.

ANG PAMANA

ARANETA COLISEUM

BARRIO FIESTA

DIN

MICHAEL JACKSON

MS. HAPPY

PAMANA

TITO BOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user