Ibinigay na raw lahat Coco nahihiya nang manghingi ng blessings kay Lord

Nagdiwang si Coco Martin ng ika-10 anibersaryo sa showbiz at ika-33 kaarawan last Wednesday night, Oct. 29 held at Cities Events Place sa Sct. Esguerra, QC.

Actually, sa Nov. 1 pa talaga ang kanyang natal day pero dahil isasabay na nga ang celebration ng 10th anniversary niya, ginawa nila itong mas maaga aside from the fact na All Saints Day ang kanyang kaarawan.

Ang tamis ng mga ngiti ni Coco nang isa-isa niyang lapitan ang entertainment press na dumalo sa kanyang kaarawan. Halatang ang saya-saya niya at aminado naman siya na talagang super-happy siya dahil sa loob ng 10 taon niya sa industriya ay napakaraming blessings na dumating sa buhay niya lalo na nga nang mapunta siya sa ABS-CBN at bigyan ng malalaking breaks ng Dreamscape Productions.

First time niyang magkaroon ng ganito kalaking selebrasyon kaya aminado siyang hindi siya sanay.

 “Ang talagang nag-push nito ay ang manager ko (Biboy Arboleda) bilang pagpapasalamat talaga sa lahat ng mga taong tumulong sa akin from indie (independent movies), sa lahat ng press, sa mainstream movies, at saka sa soap. At sa lahat ng mga taong nakatrabaho ko. Ito lang talaga ang chance ko at, yun, ang purpose nito ay para lang makapag-thank you,” sabi ni Coco.

Sa nasabing big event ay dumating ang mga nagmamahal kay Coco mula sa industriya. Present ang big wigs ng ABS-CBN sa pangunguna ng Pre­sidente na si Charo Santos-Concio, ang buong Dream­scape family headed by Deo T. Endrinal, of course, si Mother Biboy, mga artistang nakasama ng aktor sa kanyang te­leserye at ang entertainment press.

Ilan sa celebrities na dumating ay sina KC Concep­cion, Julia Montes, Ronaldo Valdez, Amy Aus­tria-Ventura, Gina Pareno, John Estrada, Ed­die Garcia, Dennis Padilla, Nonie Buencamino, Janus del Prado, Christopher de Leon, Albert Martinez, Teresa and Bing Loyzaga, Paulo Avelino, Diana Zubiri, Richard Yap, ang best friend ni Coco mula pa noon na si Vice Ganda, at marami pang iba.

Dumating din si Gary Valenciano who sang a medley ng lahat ng theme songs ng teleserye ni Coco.

Nakaka-touch si Vice Ganda dahil kahit in-advise siya ng doktor na ipahinga ang boses, siya pa ang nag-host ng party.

Ayon kay Coco ay wala na raw siyang mahihiling pang regalo sa kanyang kaarawan. Nakakahiya na raw humiling pa dahil ibinigay na raw yata sa kanya ni Lord ang lahat ng blessings.

Siguro, ang mahihiling lang daw niya ay magkaroon na lang siya ng time para sa pamilya at para sa sarili. Sa sampung taon daw niya in the business ay hindi pa raw siya nabibigyan ng ganun’g opportunity kaya pati ang love life niya ay hindi niya naasikaso.

Pero aniya, sarili naman din niyang kagustuhan na sagad-sagarin ang sarili sa trabaho dahil napakatagal na panahon siyang naghintay para mabigyan ng break.

Dumaan din si Coco sa panahong walang nagbibigay sa kanya ng pelikula o proyekto at nagsimula lang ang paglaki ng kanyang pangalan nang i-build na siya ng ABS-CBN.

 “Kaya nang ibigay talaga sa akin ang break na mabig­yan ng ganitong blessing, sinamantala ko,” he said.

Sa mismong b-day niya on Nov.1 ay baka sa bahay lang daw siya or baka magkaroon lang ng simpleng cele­bration with the family.

Say ni Ryzza Mae, pelikula ni Bimby no. 3 lang daw

Nalilinya talaga yata si Ryzza Mae Dizon sa mga Ingliserong child actor dahil pagkatapos niyang makasama si Bimby Aquino Yap last year sa Metro Manila Film Festival entry na My Little Bossing, Inglisero na naman ang kapareha niya sa Prinsesa episode ng My Big Bossing na MMFF entry ng OctoArts Films, M-Zet Films and APT Entertainment starring Vic Sotto.

Sa last shooting day nga ng Prinsesa episode last Wednesday, tinanong namin si Ryzza kung nose bleed din ba siya kay Alonzo Muhlach (anak ni Niño Muhlach) at say niya, konti lang daw kasi nagta-Tagalog naman daw ito.

Ano ang masasabi niya na magkalaban na ang movie nila ni Bimby ngayon dahil may filmfest entry rin ito na Praybeyt Benjamin 2 with Vice Ganda?

 “Kami po ang no.1, ‘yung sa kanya, no. 3 lang,” say ni Ryzza.

Ano ang number 2?

 “Kami pa rin po,” sagot ng bagets na ikinatawa namin.

Ang My Big Bossing ay trilogy film. Ang Prin­sesa episode ay idinirihe ni Joyce Bernal at bukod kay Alonzo ay kasama rin dito nina Ryzza Mae and Vic sina Niño Muhlach, Zoren Legaspi, Maricar de Mesa, Rafa Siguion-Reyna, Ruby Rodriguez, and Nikki Gil.

Show comments