Goma natakot makarma, hindi tumikim ng ibang babae

Sa hanay ng mga aktor nating may asawa na, kapuri-puri si Richard Gomez dahil never siyang na-link sa kahit kaninong babae pagkatapos niyang pakasalan si Lucy Torres.

As in never na siya talagang tumingin sa ibang babae na bihira yatang quality ng isang married man. Karamihan kasi ay suma-sideline pa sa ibang babae kahit may asawa na.

“Wala akong sideline,” proud na say nga ni Goma nang makatsikahan namin siya sa set ng game show niya sa TV5 na Quiet Only, Please.

Malaking bagay ba na babae kasi ang anak niya kaya hindi siya “nagloloko”?

“Well, naisip ko rin siyempre. Lalo na pag babae ang anak mo, siyempre, gusto mo na maging ma­ayos hanggang sa paglaki niya, magkaka-boyfriend din siya, ayaw mo na maging pariwara, ayaw mo na kung anong kalokohan ang ginagawa,” say ni Goma.

Pero paano nga niya nagawang maging going straight talaga gayung maraming tukso sa paligid?

“Well, siguro, na-enjoy ko kasi ‘yung single life. Kaya nung nag-asawa ako, patingin-tingin na lang ako. Kung baga sa turu-turo, hanggang turo na lang ako.”

Inamin naman niyang minsan naman talaga ay nakaka-tempt din.

“Self-control lang talaga. Mahirap man pero kailangan. Siyempre, may pamilya ka na. Mahirap na baka may mangyari du’n sa babae, baka mabuntis mo, ang laking gulo ‘yun,” he said.

Besides, maayos na maayos daw ang relasyon nila ni Lucy. Although hindi naman daw perfect ang marriage nila, they manage to work things out at maging masaya together.

Kim naghahanda na para sumali sa beauty pageant

Isa sa pangarap ni Kim Rodriguez ay maging beauty queen. Bata pa lang daw siya ay dream na niya ito and up to now, given the chance, gusto raw niyang sumali sa beauty pageants someday.

Actually, pinaghahandaan nga raw niya ito nga­yon kaya panay ang pag-i-improve niya sa sarili at pagpapaganda.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya naka-focus sa kanyang love life. Bagama’t nali-link sa kanya ang kapareha niya sa Strawberry Lane na si Kiko Estrada, nasa lebel daw sila na special friends lang at inspirasyon lang ang isa’t isa para pagbutihin ang mga ginagawa.

Marami pa raw siyang gustong marating at alam niyang makakamit lang niya ito kapag nag-focus siya sa kanyang career.

Yeng atat nang ikasal

Excited na si Yeng Constantino sa kanyang nalalapit na kasal sa February, 2015 with her fiance, Victor “Yan” Asuncion. Say nga niya sa presscon ng Icon: The Concert kung saan ay magsa­sama-sama silang tatlo nina Rico Blanco at Gloc 9, naiinip na nga raw siya sa pagdating ng pinaka-importanteng event na ito sa kanyang buhay.

“Wala na po kaming iniisip, hinihintay ko na lang po ‘yung petsa at naiinip na po ako,” natatawa niyang sabi.

“Maayos na po lahat, maaga kasi akong nag-prepare. Nang mag-propose ‘yung fiance ko, the next day, nagpuyat po talaga akong maghanap ng pegs, kung ano ‘yung gusto kong hitsura, saan, tapos na po lahat,” sabi pa ng singer/composer ngayon ay pink naman ang hair.

Natanong nga siya kung sa kasal ba niya ay isusunod niya ang kulay ng hair niya sa motiff, natawa si Yeng.

“Hindi ko pa po alam, eh. Nung nagpa-pink ako, nangyari lang po ito nung nag-decide ako before po kami mag-photo shoot for the poster. Parang biglaan lang na “uy, parang gusto ko ‘to, ah”, and hindi ko pa po alam kung ano ang mangyayari sa susunod na taon, tignan na lang po natin.”

Gaganapin ang Icon: The Concert on Nov. 21 at the Araneta Coliseum.

Show comments