Bagong manager ni Aljur nakikipag-ayos na sa GMA
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 28, 2014 - 12:00am

Balitang nagpadala na ng feeler ang kampo ni Aljur Abrenica sa GMA Network at inaayos na raw ng bago niyang manager ang pakikipag-usap niya. Pero ang natatandaan namin, ayaw na ni Aljur na makipag-usap sa GMA Artist Center dahil ang mga namumuno roon ang inirereklamo niya. May sey kaya siya roon, to think na ang pinirmahan niya ay guaranteed contract at kung ano ang mapagkasunduan, kailangan niyang sundin? Aminado na raw si Aljur na malaki ang epekto sa kanya ng ginawa niya. Sayang nga lamang at hindi muna siya nagtanung-tanong bago siya nagsalita.

Alam nga namin, may magandang movie offer sa kanya ang producer na si RJ Agustin, producer din ng 1st ko Si 3rd sa katatapos na Cinemalaya X, ang Batang Hamog at sa pagkukuwento ni RJ, maganda at challenging ang role sana ni Aljur kaya lamang, kailangang tanggalin na nila si Aljur dahil mahirap daw kung may legal case ang actor. Nakuha nila si Ejay Falcon at anytime now ay magsisimula na silang mag-shooting.

Nova excited nang rumampa sa red carpet

Today, paalis si RJ Agustin kasama si Ms. Nova Villa and her favorite na ka-love team na si Freddie Webb at direk Real Florido para mag-attend ng 34th Hawaii International Film Festival. For competition sa Best Picture category ang 1st Ko Si 3rd. Masaya si Nova dahil sa 51 years daw niya sa showbiz, ngayon lamang siya naging bida at makaka-attend ng isang gala night at lalakad sa red carpet. Ang said indie film ay kasali rin sa QCinema International Film Festival na gaganapin sa last week of November. Pero masaya silang lahat, magkakaroon ng commercial screening ang movie exclusively, sa Ayala Cinemas simula sa November 12.

Biniro namin si Nova kung ano ang sikreto ng love team nila ni Freddie Webb dahil hanggang ngayon, may kilig pa ang mga viewers kapag napapanood silang magkasama. Isa nga kasi ang 1st Ko Si 3rd sa pinilahan noong ipalabas ito sa Cultural Center of the Philippines at sa iba pang sinehang pinaglabasan ng movie during the Cinemalaya X festival. Siguro raw, sa 14 years na umere ang sitcom nilang Chicks to Chicks, may naiwan silang magandang memories sa audience kaya kahit ngayong may edad na sila, may kilig pa rin tuwing magkasama sila ni Freddie. Ayaw daw nilang mag-expect na manalo sa Hawaii, gusto lamang nilang makita kung ano ang magiging reaction ng mga manonood sa kanilang pelikula.

Nakamusta rin namin si Nova tungkol sa yumaong kapatid na si Tia Pusit.

“Affected ako talaga noong nasa hospital siya,” sabi ni Nova. “Basta kasi wala akong work, nasa hospital ako, ako ang nagpapakain sa kanya, nakikita ko ang paghihirap niya, lalo na noong oras na niya. But we have to move on, alam kong hindi magugustuhan ni Meng kung nakikita niyang nalulungkot kami.

“Nagpasalamat ako sa lahat ng mga tumulong, nagdasal para sa kanya. Doon ko nakita kung gaano karami ang nagmahal sa kanya. Wala kaming naiwang utang at ang natira pa, inilaan na namin sa mga anak niya. Her memories will live on, kahit wala na siya. Salamat sa lahat.”

AGUSTIN ALJUR ARTIST CENTER AYALA CINEMAS BATANG HAMOG CINEMALAYA X FREDDIE WEBB KO SI NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with