Kris gustong ilublob si Bimby sa Tabing Ilog!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - October 25, 2014 - 12:00am

Seryoso si Kris Aquino na ilublob ang anak niyang si Bimby sa ilog kung saan nag-taping noon ang programang Tabing Ilog ng Channel 2.

Naniniwala kasi si Kris na baka nga may something sa dulo raw ng Pangsanjan falls kung saan nag-taping ang programa. Baka raw ayon kay Kris, lalo pang maambunan ng suwerte at husay sa pag-arte ang anak niya.

Saludo si Kris sa mga produkto ng Tabing Ilog tulad nina John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Jodi Sta. Maria, at Kaye Abad na pawang mga sumikat talaga at pare-pareho silang kinikilala sa kanilang husay sa pag-arte. Ang latest na humahataw ang career ngayon at napapanood gabi-gabi ay si Kaye na nagpapakitang gilas  sa series na Two Wives sa ABS-CBN.

Tamang-tama na malapit lang sa may Pagsanjan falls sa  Laguna ang bagong bahay ni  Kris kaya malamang gawin ni Kris ang paglulublob sa anak lalo na nga at may pelikula si Bimby para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan naman ni Vice Ganda.

Marvin at Jolens kinakikiligan pa

Nagbabalik ang home grown talent ng Kapamilya Network na si Marvin Agustin at nagsimula nang mag-shoot ng kanyang bagong palabas na Flordeliza. Ipinost na nito sa Instagram (IG) account niya ang kanyang eksena at maraming fans ang natuwa sa pagbabalik nito sa ABS-CBN.

Excited din si Marvin sa ideya na pati si Jolina Magdangal ay plano na ring tumungtong muli sa bakuran ng Kapamilya at pagsamahin sila ulit ng dating ka-love team.

Na-enjoy din ng mga fans ang Throwback movie nila sa Cinema One na Labs Kita, Okay Ka Lang? na pagbabalik-tanaw at paghahanda din ng network sa muling pagsasama nila.

In fairness kina Marvin at Jolens, marami pa silang followers na makaka-relate sa tambalan nila.

BARON GEISLER BIMBY CINEMA ONE JODI STA JOHN LLOYD CRUZ JOLENS JOLINA MAGDANGAL MARVIN TABING ILOG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with