Nadine ‘di nagpa-panic James type na type si Heart!

Hoy, Nadine (Lustre) alam mo bang hindi ikaw ang huge crush ng paborito mong leading man na si James Reid?

Artista rin ang crush ni James. Si Heart Evangelista, soon-to-be the wife of Senator Chiz Escudero.

O, kaya naman pala, Nadine. No need for you to panic.

Ina ni Boy malakas ang instinct

Paulit-ulit man Salve A., na aming naririnig from Boy Abunda, no less, ang naging reaction ng kanyang 80 something na ina nang unang magkita sila pagkatapos niyang magkasakit ng 16 days, hindi kami nagsasawang pakinggan ito.

Sa buong panahon daw na nasa ospital siya ayon kay Boy, ang alam ng kanyang ina, nasa abroad siya.

Kaya, laking gulat daw niya, nang ang unang itinanong sa kanya nito, nang dinalaw nga niya ito for the first time: ‘‘Magaling ka na?’’

Mother instinct, that’s how most na nakarinig ng kuwento ni Boy sa naging reaction ng kanyang Nanay. To which, I wholeheartedly agree.

Bong mas nami-miss ang nanay ngayon

‘‘Me,’’ ani naman ni Senator Bong Revilla, when we visited him sa kanyang detention sa Custodial Center ng PNP (Philippine National Police) kamakailan. ‘‘I’ve never missed my mom so much than now.

‘‘Although, I know that wherever she may be now, she remembers me at ipinagdarasal ako.’’

Actually, Senator Bong knows as well na lahat ng taong nagmamahal sa kanya, maliban sa kanyang pamilya, ay nagdarasal, na sana nga makalaya na siya at ang kanyang best friend na si Senator Jinggoy Estrada.

Until now after all, sabi nga ng ilang batikang lawyers na kakilala namin, they have yet to be proven guilty.

Sen. Bong panay ang bigay ng tulong kahit nasa kulungan

Moved sa naging reaction ni Senator Bong ang isang fellow entertainment columnist namin, dahil nang nabalitaan nitong na-confine siya sa ospital for an eye operation, may pinakiusapan itong tawagan at sinabi sa showbiz writer na ipadala sa kanya ang bill nito, at babayaran niya.

Tuloy, ang sabi ng aming colleague: ‘‘Paano makakalimutan at ‘di maalaala na ipagdasal ang mga katulad ni Senator Bong?’’

Parehong nag-donate sina Senator Bong at Senator Jinggoy Estrada sa mga kaanak ng nasirang si Tia Pusit (real name: Myrna Villanueva).

One hundred thousand pesos ang balitang ipinadala ni Senator Bong. Si Senator Jinggoy naman fifty thousand pesos ang ibinigay.

Kapatid nina Aga at Arlene na si Almira Muhlach nagbabalik TV

Remember Almira Muhlach, estranged wife of former top cager, Paul Alvarez?

Well, she is staging a comeback via the upcoming series, Forevermore, na magse-serve bilang launching teleserye nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Si box-office Director Cathy Garcia-Molina ang director nito at co-director naman si Ted Borobol.

Si Direk Ted ang director naman ng launching movie nina Enrique at Liza for Star Cinema, The Bet.

Forevermore is produced by Star Creative TV, which Star Cinema managing director Malou Santos, heads.

Star Creative TV is also the producer of the romantic drama series, Princess And I and Got To Believe.

Also starring in Forevermore, a title of a song popularized by the Side A Band are Sophia Andres, Yves Flores, Kit Thompson, Zoren Legaspi, Lilet, Marissa Delgado, and Joey Marquez.

Of Almira, she was a promising star when she married Paul and became a plain housewife and mother.

Half-siblings niya sina Aga at Arlene Muhlach.

 

Show comments