Carding matindi ang galit sa ‘asawa’

MANILA, Philippines – Matindi pa rin ang galit ni Car­ding (Gabby Eigenmann)  kay Beth (Glaiza de Castro) sa ginawa ng ‘asawa.’ Talagang hindi na niya ito mapatawad. Laging magpapalusot si Carding kay Precious (Zarah Mae Deligero) na nasa trabaho lang si Beth kaya hindi ito nagpapakita sa kanila. Isang araw, masisigawan niya ang bata nang mag-usisa ito ulit tungkol sa kanyang ina. Mapagsasabihan ni Lexi (Gardo Vesoza) si Carding na mali ang ginagawa niya. Baka raw lumayo ang loob ng bata sa inaasal ni Carding. Hihingi ng sorry si Carding sa bata.

Kakausapin ni Mila (Sharmaine Buencamino) si Joemer kung ano ang plano nila ni Beth sa gulong pinasok nila. Ipapaalam ni Joemer (Benjamin Alves) kay Mila na gagawin niya ang lahat para mabawi nila si Precious kay Carding. Hindi matutuwa si Mila sa gustong ito ng lalaki. Para kay Mila, mali ang balak ni Joemer na bawiin si Precious kay Carding dahil ito ang tumayong ama sa bata.

Samantala, hindi naman papayag basta-basta si Celine (Chynna Ortaleza) na palagpasin na lang ang pang-aagrabyado nina Joemer at Beth sa kanya. Matsetsempuhan niya sina Martin at Joemer sa isang restaurant at maririnig na pinag-uusapan nila si Beth na ngayon ay buntis. Makakaisip si Celine ng napakagandang paraan para gantihan sina Joemer at Beth.

Pupuntahan ni Celine si Carding sa apartment nito. Pareho raw silang inagrabyado nina Joemer at Beth kaya dapat daw silang magtulungan para gantihan silang dalawa. Ano kaya ang sasabihin ni Carding? Papayag kaya ito sa proposal ni Celine?

Lalong nagiging exciting ang kuwento ng seryeng Dading habang papalit ang pagtatapos nito.

Dalawang linggo na lang ito sa ere.

Show comments