Daniel pinangangambahang magkaproblema sa trabaho kay Jasmine

All is well between Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na balitang nagkaroon ng tampuhan, dala nga raw ng pagseselos ni Kathryn.

Ang kuwento is may kumalat na audio clip, where diumano’y narinig si Daniel na nagkukuwento sa ilang kaibigan tungkol sa isang young star din na nagpakilig sa kanya, dahil sinagot nito ang kanyang text.

Pasimuno ito ng kaibigan din ni Daniel at kaya nalungkot ang kanyang mommy na si Karla Estrada, pati na rin ang mga fans ni Kathryn, lalo na ang kanilang die hard KathNiel fans.

The girl na tinutukoy na nagpakilig kay Daniel turned out to be Jasmine Curtis-Smith, who is common knowledge, na taken na rin naman.

Magtu-two years na rin silang steady ni Sam Concepcion. At ito ay ‘di kaila kahit kina Daniel at Kathryn.

Nagkataon nga lang na magkatrabaho sina Daniel at Jasmine, since they are with Daniel’s uncle, Ro­bin Padilla, and Vina Morales sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Well the production people of Bonifacio… are hoping na ang nangyaring ito ay hindi makaapekto sa working relationship nina Daniel at Jasmine.

Angel mas pinipili ang mga trabahong may kinalaman sa adbokasiya

Angel Locsin will be a presentor this afternoon sa Lopez Achievement Awards (LAA) 2013 Cycle, which will be held at the ABS-CBN Studio 10.

Kusang ipinagpaliban ni Angel ang isang previous commitment niya dahil sa awards ceremony na ito. Nalaman daw niya kasi na ang mga bibigyan ng awards ay ang itinuturing na mga heroes in the last Yolanda typhoon na sumalanta sa ating bansa.

Anything na may kinalaman sa advocacy, Angel makes time for it. In her social medial account, Angel expressed concerned for the Bicolanos, who might be affected sa napapabalitang posibleng pag-erupt ng bulkang Mayon.

Show comments