Jessica Soho namayat sa zumba!

Nagpadala sa akin ng email ang PM reader na si Vangie Acuna ng Cabuyao, Laguna. Ipinaabot sa akin ni Vangie ang kanyang pagbati dahil kabilang ako sa mga principal sponsor sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30. Ito ang bahagi ng email sa akin ni Vangie:

“Manay Lolit, nakakatuwa naman po na isa kayo sa napiling ninang sa kasal ni Dingdong at Marian. Congratulations po sa inyo.

“Nag-email po ako para matulungan ninyo akong maipaabot kay Ms. Jessica Soho na binabati ko siya kasi ang galing talaga niya kanina sa 24 Oras (Sept. 12, 2014) at ang ganda niyang pagmasdan habang nagbabalita.   

“Bagay na bagay sa kanya ang dress na suot niya, namayat na siya. Hindi ko po alam kasi kung saan siya i-email. Palagi ko pa rin pong binabasa ang column ninyo.

God bless po. Thank you so much.”

 Maraming salamat Vangie sa walang sawa na suporta mo sa PSN at PM.

Totoo ang obserbasyon ni Vangie na pumayat si Mama Jessica at ako mismo ang makapagpapatunay dahil talagang nabawasan ang kanyang timbang nang huli kaming magkita.

Knows ko ang secret ni Mama Jessica at nagsisimula ‘yon sa letter Z for Zumba!  Yes Vangie, regular ang Zumba session ni Mama Jessica at malapit na akong makumbinsi na gayahin siya dahil nakita ko ang magandang epekto ng Zumba sa katawan niya.

Ang staff member ng  kanyang mga show sa GMA 7 ang kasama ni Mama Jessica sa Zumba  at pumayat na rin sila.

Wish ko lang, magkaroon ako ng sipag at determinas­yon na mag-Zumba para matularan ko ang achievement ni Mama Jessica.

Billy tinatapos muna ang moron...

Isang linggo na hindi napanood si Billy Crawford sa It’s Showtime mula nang masangkot siya sa eskandalo sa isang police station noong nakaraang Linggo.

Idinenay ng ABS-CBN management ang tsismis na suspended si Billy na hindi raw napapanood sa It’s Showtime dahil may shooting siya para sa sequel ng Moron 5.2.

Totoo naman na tinapos ni Billy ang shooting ng Moron 5.2 ng Viva Films pero  tama lang na hindi siya nag-report sa kanyang noon­time show habang pinapalamig ang isyu.

Ang Part 2 ng Moron 5  ang next  offering ng Viva Films kaya alam na natin ang pag-uusapan at mga itatanong kay Billy sa upco­ming presscon ng pelikula.

Dahil walang tulugan, Billy si kuya Germs ang mas dapat nilapitan

Hiningan kami kahapon ng opinyon sa Startalk tungkol sa nangyari kay Billy. Kami, meaning sina Papa Ricky Lo, Butch Francisco at Heart Evangelista. Masyado nang mabigat ang isyu, nagsisi at humingi na ng tawad si Billy kaya pinagaan ko ang sitwasyon.

Dinaan ko na  sa biro ang payo ko kay Billy na pumunta na lang siya kay Kuya Germs kung kailangan niya ng makakausap o mapagsasabihan ng kanyang mga problema. Makakaasa si Billy na malalapitan niya si Kuya Germs, anytime, dahil walang tulugan ang Master Showman!

Huwag na huwag na niyang uulitin na pumunta sa pre­sinto at mag-request na ikulong siya kapag nangi­ngibabaw ang galit sa kanyang isip, puso at katawan.

Show comments