Sharon inayos ang paglayas sa TV5

Bakit kailangan pang uriratin kung ano ang dahilan ng paghingi ni Megastar Sharon Cuneta ng pre-termination ng kanyang kontrata sa TV5? Hini­ngi niya iyon at nagkasundo naman sila. Ibinigay iyon sa kanya, so ano pa ang kailangang pag-usa­pan? Ano pa nga ba ang kailangang tanungin?

Kung ano man ang naging internal arrangements, kung totoo ngang kaila­ngang magbayad nang kaunti si Mega para makakawala sa kontratang iyon, natural lang naman iyon.

Kung iisipin mo, wala namang ka­kaiba talaga sa nangyaring iyon. Basta ang isang artista at ang isang network ay nagkasundo noong una, iisa lang ang nasa isip nila, na sila ay magkakatulungan sa kani-ka­nilang goal para sa kanilang sarili. Kung hin­di na nga umaakma ang kanilang mga ambisyon, at kung hindi naman nila naaabot ang kanilang goal, kalokohan lang talagang patagalin pa ang usapan.

Tandaan ninyo ang isang bagay, laging talo ang isang artista kung kakalabanin niya ang kanyang mga producers o ang network. Kasi kahit na sabihin mong anong galing at lakas nila, hindi na rin sila kukunin ng ibang producer o ng ibang network.

Kaya kung titingnan nga ninyo, iyong mga artista at mga producers o network na naghiwalay ng landas, basta hindi maayos ang paghihiwalay, kawawa ang artista. Walang takers iyan dahil natatakot sa maaari nilang gawin.

Marami na tayong nakitang mga artistang ganyan, ano nga ba ang nangyari? At least si Mega, umalis man sa TV5, maayos namang lahat.

Robin tutol sa plano ng anak

Tama iyong sinasabi ni Robin Padilla noong matanong siya kung bakit hindi niya pinapayagang maging artista ang kanyang anak na lalaking si Ali.

“Actually gusto niya eh, kaya lang mas gusto kong makatapos muna siya sa pag-aaral. Isa pa, nandiyan ngayon si Dj (Daniel Padilla’s pet name),” sabi ni Robin.

Actually tama si Robin. Mukhang mas­yado ngang malakas ngayon ang dating ni Daniel Padilla na masasabing isang malaking kalokohan ang magpasok ng iba pang artistang ka-tipo o kagaya niya ang linya dahil masasayang lang.

Sex video ng male starlet nakatsugihan ang isang poging model may mga nakapanood na!

May lalabas pa raw isang sex video, at ang sinasabi this time ang nasa video naman daw ay isang male starlet na nagsimula sa isang talent search ng isang malaking network pero hindi sumikat. Ang nakakagulat, ang kasama raw niya sa nasabing sex video ay isang poging male model, na kuha yata sa isang beach resort in the south. Ay beki pala siya!

Show comments