Carla wala pang tiwala kay Tom, gusto munang maging kaibigan bago patusin

MANILA, Philippines - Bokya pa rin ang puso ni Carla Abellana. Kahit naka-move on na siya sa break-up sa boyfriend na si Geoff Eigenmann, hindi pa rin niya pinapatos ang pagiging malambing sa kanya ni Tom Rodriguez na kapareha niya sa My Destiny ng GMA.

Very vocal kasi si Tom sa mga interview niya sa pagsasabing inspirasyon niya si Carla ngayon. Bawat araw na magkikita silang dalawa ay kinasasabikan niya.

Nakarating na rin sa aktres ‘yon at appreciated naman niya ang pahayag ng kapareha. Mas gusto niya kasing maging kaibigan muna ang lalaki bago niya maging karelasyon.

 “Mahirap naman kasi magtiwala kung bagong nakilala mo lang ‘yung tao, ang hirap lalo na sa panahon ngayon. So mas maganda ‘yung kilalang-kilala mo na siya,” pahayag ni Carla sa solo presscon niya para sa Regal movie na Somebody to Love.

Isang taon pa lang niya nakikilala si Tom. Hindi naman niya itinangging hindi niya puwedeng mahalin ang aktor.

 “He can be somebody to love, of course! Not yet naman kaming in love pa,” tugon ng aktres.

Ayaw pa ba niyang ma-in love?

 “Wala rin naman akong mabibigay sa oras. Kawawa naman ‘yung tao. Kawawa rin ako. So ang hirap lang,” katwiran niya.

Eh kasama naman niya si Tom sa series, huh!

 “Ang hirap naman ng parating trabaho lang, ‘di ba? Siyempre, malay mo it’s just out of work. Siyempre, gusto mo ring malaman kung it’s beyond work! Hindi mo rin naman magawa outside ng trabaho. Walang oras,” saad ni Carla.

Teka, homegrown talent siya sa GMA gaya ni Aljur Abrenica. Wala ba siyang problema sa network?

 “Wala naman po. Hindi katulad ng iba. Ako, sobrang thankful ako noon. Buti na lang may trabaho ako sa GMA. Inaalagaan nila akong mabuti. Maganda ang projects. Wala namang problems. Walang issues. Alagang-alaga.

 “So nakakalungkot lang na may ibang artists na nagkakaproblema,” bulalas ni Carla.

Sa movie, sina Jason Abalos at Matteo Gudicelli ang mag-aagawan sa kanya. First time rin niyang makakatrabaho si Direk Joey Reyes. Bukod sa STL, gagawin na rin ni Carla ang episode na Ulam nila ni Dennis Trillo para sa Shake, Rattle & Roll XV.

Bagong talent ni Jennylyn nadiskubre ni Atty. Joji

Kuntento si Atty. Joji Alonso sa pagkakapalit ni Jennlyn Mercado kay Angeline Quinto bilang leading lady ni Derek Ramsay sa festival entry ng kanyang Quantum Films na English Only, Please…

Agad kasing nakakitaan niya ng chemistry ang dalawa sa mga unang araw ng shooting nila. “Magaling pala sa comedy si Jen!” sambit ni Atty. Joji sa amin.

Sa paggawa kasi muna ng mainstream films ang konsentrasyon ng lawyer-producer. Wala siyang entry ngayon sa Cinemalaya X hindi gaya noon na kung hindi siya producer ay co-producer siya.

“Let’s give chance to others!” tugon ni Atty. Joji na alam namin ang rason.

Pero nu’ng tanungin naman kung manonood pa siya ng entries?

“Busy yata ako! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

Bukod kasi sa MMFF entry niya, tinatapos ni Atty. Joji ang movie na Beauty in A Bottle nila nina Assunta de Rossi, Angeline Quinto, at Angelica Panganiban. Ibinalita rin niya na matutupad na rin ang paggawa niya ng Here Comes the Bride 2 na inaasahan niya same cast pa rin gaya sa unang part.

Show comments