^

Pang Movies

Cristine bored na sa paghuhubad, drama at comedy naman ang gustong gawin

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kung si Cristine Reyes ang masusunod, wish niya sana na ang Trophy Wife na raw ang last daring film niya at gusto naman niyang mag-iba ng path.

“I’ve been in the business for 10 years na,” paliwanag niya sa entertainment press sa final presscon ng Trophy Wife held last Tuesday night, “so, okay na ako, I’m contented na sa lahat ng nagawa ko, achievements, and para sa akin, may mga bagay na dapat itigil na kung gusto mo nang panibagong chapter of your life.”

Nagsawa na ba siya sa pagpapa-sexy?

“Kasi parang ayoko na ng too much attention from the boys. Nahihirapan na ako, eh,” pagbibiro ni Cristine.

Ano ang gusto na niyang pagtuunan ng pansin?

 “Kasi, nag-start ako na magpa-sexy, 18 ako, eh. Nag-FHM ako nung 18 ako, so, 25 na ako ngayon, so parang ilang years ko nang ginagawa. Parang ‘yung iba, bored na sa office, gusto na nila ng ibang trabaho. ‘Yun.”

Drama and comedy daw ang gusto niyang pagtuunan ng pansin ngayon.

So, sa mga kalalakihan na nagpapantasya sa kaseksihan ni Cristine, panoorin n’yo na lang ang Trophy Wife showing on July 30 dahil baka ito na ang last chance n’yo na makita ang alindog ng aktres.

Under Viva Films and MVP Entertainment, kasama rin sa Trophy Wife si Derek Ramsay, Heart Evangelista and John Estrada mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

Kaya wala nang paki sa love life ng anak Jaclyn NA-trauma sa away nila ni Andi

Aminado si Jaclyn Jose na nasaktan din daw siya nang unang magdesisyon ang anak na si Andi Eigenmann na umalis na sa poder niya at bumukod na ng bahay kasama ang baby nitong si Ellie.

“Noon, masakit. Talagang hinanda ko ang sarili ko. Pero eventually, na-realize ko na oo, let her live her life. Para matuto siya. Kasi kung ako lahat ang mag-aasikaso, paano, ‘di ba? Tapos nauubos lang din ang pera niya.

 “Eh kung mayroon siyang pinaglalaanan, matututo siyang maging responsible. Hanggang nandiyan ako, hindi siya magiging responsible,” say ni Jaclyn nang makausap namin kahapon sa pocket presscon.

Pero hindi naman daw siya totally mahihiwalay sa kanyang apong si Ellie dahil usapan nila ni Andi, ‘pag may work ito ay iiwan sa bahay niya ang bata kaya madalas pa rin daw niya itong makakasama.

Okay na okay na raw sila ni Andi ngayon matapos ang matagal-tagal din nilang misunderstanding.

Kaya ngayon daw, para hindi na sila mag-away ulit ay hindi na raw siya magkokomento pa about Andi’s love life na matatandaang dahilan ng rift nila dati.

Alam naman daw niya ang nangyayari sa love life ng anak ngayon pero ayaw na raw niyang makialam pa.

 “Iniiwasan ko nang mag-away kami, na-trauma ako. Ayaw ko nang maulit,” she said.Samantala, bago na pala ang manager ni Jaclyn ngayon. Mula kay Ed Instrella na bata pa lang siya ay nagma-manage na ng career niya, ngayon ay nasa PPL Entertainment na siya under Perry Lansigan.

vuukle comment

AKO

ANDI

ANDI EIGENMANN

JACLYN

KASI

NIYA

SIYA

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with