^

Pang Movies

Allen tatlu-tatlo ang asawa

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naimbitahan kami sa preview ng Kamkam (Greed) noong Biyernes na isa na namang obra ni Direk Joel Lamangan. Pang-award na naman ang akting ng bidang si Allen Dizon sa bagong indie movie. Gaya sa yumaong Lino Brocka, ang mga pelikula ni Joel na sumasailalim sa reyalidad ng buhay.

Iikot ang istorya sa buhay ni Johnny na mahusay na nailarawan ni Allen kung saan siya ang naghahari sa mga illegal na raket gaya ng sugalan, droga, kuryente at iba pa sa Sitio Kamkam. Tatlo ang asawa ni Allen na ginampanan nina Jean Garcia, Sunshine Dizon at Jackie Rice.

Binigyan ng buhay ang isang pamilya na nabubuhay sa korupsyon sa isang mahirap na komunidad.

Palabas na ang Kamkam sa July 9 mula sa Heaven’s Best Entertainment sa panulat ng Palanca Awardee na si Jerry Gracio.

Angel pinupuri-puri

Natapos na rin ang The Legal Wife noong Bi­yernes at gusto naming papurihan ang lahat ng artista sa galing umarte lalo na si Angel Locsin.

Damang-dama mo ang mga sinabi ng aktres na kahit mahal na mahal niya ang asawa ay ‘di pa rin niya ito kayang patawarin agad. Isinauli nito ang wedding ring kay Jericho Rosales at sinabing darating ang araw na babalik din siya habang ginagamot ang nadurog na puso sa Amerika kasama ang kanilang anak.

Tiyak na maraming naka-relate at natutunan ang mga kababaihan sa makabuluhang teleseryeng nagtapos.

ALLEN DIZON

ANGEL LOCSIN

BEST ENTERTAINMENT

DIREK JOEL LAMANGAN

JACKIE RICE

JEAN GARCIA

JERICHO ROSALES

JERRY GRACIO

KAMKAM

LEGAL WIFE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with