Robi, Divine, at Slater, may pahabol na summer adventure

MANILA, Philippines - Patapos na ang summer pero may huling hirit pa ngayong tag-init sina Robi Domingo, Divine Smith, at Slater Young sa kanilang summer trip ngayong Linggo (May 18) sa Matanglawin.

Sasabak na naman ang lakwatserong si Robi sa isang exciting adventure sa Sarangani kung saan siya ay magpa-paragliding at mag-snorkling kasama ang mga naggagandahang lamang-dagat sa tinaguriang Boracay of the South.

Ang Pinoy Big Brother housemates naman na sina Slater at Divine ay tutungo sa Oslob sa Cebu at makikipag-bonding sa naglalakihang whalesharks o  butanding.

Samantala, muling sasagutin ni Kuya Kim ang katanungan ng fans sa segment na #AlaminKayKuyaKIm.

Show comments