^

Pang Movies

Marian idinisplay na ang pagpapa-Belo

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Opisyal nang kasama si Marian Rivera sa endorsers ng Belo Medical Group. Isang bonggang presscon ang ipatatawag ni Dr. Vicki sa launching ni YanYan bilang member ng kanyang “family” of endorsers.

Agad ngang kumalat ang picture ni Marian sa Instagram.

Bagay na bagay nga namang ma­ging modelo ng Belo Medical Group si Marian na lutang na lutang ang kinis at ganda gabi-gabi sa Carmela, huh!

After Carmela na magtatapos this month, mawawala ng isang linggo si Marian upang maging bahagi ng show ng isang telecom company sa U.S. Mas mahaba sana ang request sa kanya pero dahil sa ibang naunang commitments, hindi na siya sasama sa ilang state sa U.S.

Max inspired kay Pancho

Nalaman ni Max Collins sa kanyang make-up artist na isa siya sa cru­shes ni Dion Ignacio na kasama niya sa Innamorata ng GMA. Nagsisilbi nga raw motivation ng aktor ang kanyang mga mata, huh!

“Ang galing ni Dion because he’s so sensitive. So magaling siyang umarte. Mabilis siyang umiyak. Magaling siyang katrabaho,” rason ni Max nang makausap ng press.

Pero winalis na ni Dion ang crush sa kanya dahil nga meron na siyang Pancho Magno na kaibigan niya.

 â€œBest friend sila eh. I mean, sobrang close!” saad pa ng aktres.

Hindi pa naman niya boyfriend si Pancho. Nagdi-date pa lang daw sila.

 â€œPero sweet siya (Pancho).  Parang lagi siyang nandi­yan sa akin. Lagi niya akong kinukumusta kung okey ako.

 â€œKahit busy din siya, may time pa rin siya para sa akin. That’s nice. I think you work better ‘pag happy ka. Eh, happy ako,” rason niya.

So inspired siya ngayon?

“Lagi naman akong inspired. Lalo na ngayon! Parang everything is going well! Sa work, sa friends!” sey pa ni Max.

Pauleen hindi pa rin tanggap ni Oyo Boy

Personal na inasikaso ni Pauleen Luna ang naganap na surprise party para sa boyfriend na si Vic Sotto nito lang Monday. Naging kasama niya sa pag-aayos ang anak ni Vic na si Danica at iba pa.

After ng Eat Bulaga, inanyayahan ni Pauleen si Vic na magmeryenda. Sumama naman si Vic na pagdating sa venue ay nasorpresa siya sa inihanda ng dyowa.

At least, kasundo ni Pauleen ang mga anak ni Vic, huh! Ewan lang namin si Oyo Boy Sotto, huh! He! He! He!

Ginawan ng kamalasaduhan, aktres masama ang loob sa manager

Nangangamoy ang pagkalas ng isang talent sa isang management company. May kinalaman ang paglayas niya sa ginawa nang taong namamahala sa kanyang career.

Suklam na suklam ang talent sa ginawa ng taong itinu­ring pa naman niyang kaibigan, huh!

Hindi man masyadong sikat at konti lang ang ganda ni talent, pero lubos siyang nasaktan sa ginawang ‘yun sa kanya!

 

AFTER CARMELA

BELO MEDICAL GROUP

DION

DION IGNACIO

DR. VICKI

EAT BULAGA

LAGI

PANCHO

PAULEEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with