^

Pang Movies

James nahulog sa upuan sa laki ng budget sa 7th birthday ni Bimby

- Vinia Vivar - Pang-masa

Lately ay halatang masaya si Kris Aquino dahil panay ang post niya ng positive thoughts at ganado rin siya laging mag-share ng latest updates sa buhay niya.

In the past kasi, halata ’pag wala siya sa mood o may pinagdadaanan siya dahil tamad siyang mag-tweet.

Pero ngayon, talagang every now and then, ay may mga bago siyang update. Latest post niya kahapon sa kanyang Instagram ay ang tungkol sa pag-uusap nila ni James Yap na hindi na niya nilinaw kung sa text ba o sa phone.

“Good Morning. Life continues to plea­santly surprise me. James asked me yesterday what my plans for Bimb’s 7th birthday are & he offered to split the cost w/ me...

“I replied w/ the date & details & the cost. He replied by saying nalaglag sya sa upuan nya pero GO. I replied w/ hehehe okay lang whatever lang he was comfortable with.

“He said, okay lang para kay Bimb. I said THANK YOU & please invite your girlfriend to join the celebration...

“We successfully split watching over Bimb in his TVC shoot Friday, I stayed until 6:30 PM & it was his turn until the shoot ended at 9 PM...

“We’re not yet there but we are almost friends again. I’m sharing this because it may help those in a similar situation. The goodwill started because James text me on my birthday acknowledging that I was an excellent Mom. So maybe sometimes when we love our kids, we learn to forgive the failure of the marriage & we focus on succeeding as parents & being happy that we’ve all moved forward... Happy April everybody! God bless us all,” ang nakasaad sa post ni Kris.

Well, ang tanong naman ng marami, kung ini-invite niya ang current girlfriend ni James, iimbitahan din kaya niya ang napapabalitang bagong boyfriend niya?

Sa panayam kay James ng media recently ay nadulas siya sa pagsasabing politician daw ang boyfriend ni Kris pero, aniya, wala raw siyang sinasabing dito sa ating bansa.

So, foreigner kung ganun?

Ayon pa kay James, sinabi na raw sa kanya ni Bimby kung sino ang idini-date ng mommy niya pero siyempre ayaw i-reveal ng basketbolista kung sino ito.

 

Anne aminadong adik sa telepono at social media

Kahit sobrang busy ni Anne Curtis dahil sa rami ng kanyang projects (she’s doing Dyesebel and the movie, The Gifted, plus, she’s preparing for her major concert The Forbidden Concert: Annekapal to be held on May 16 at the Smart Araneta Coliseum), still ay name-maintain pa rin niya ang kanyang pagiging social media queen.

“I think, the key with always working, I think, time, like when I’m bored lalo or when there’s waiting time or pagka-traffic, I’m always on my social media account, maybe Twitter or Instagram.

 â€œI’m always checking what people have to say or that’s where I get my news, updates and it’s a good thing nga kasi kung saan ’yung locations, Smart ang may signal,” natatawa niyang say dahil naipasok niya ang kanyang endorsement.

Aminado si Anne na talagang social media addict na siya forever.

“I’ll always be on the phone, I’ll be tweeting, lalo na tuwing palabas ang Dyesebel because I have to see what people have to say, ’yung feedback which is very important. So, ’yun. I’m always very active,” diin pa ni Anne.

Speaking of Dyesebel, natutuwa si Anne sa mataas na ratings na nakukuha ng serye simula nang magsimula ito. Ito raw ang nagsisilbing inpirasyon sa kanila para lalong pagbutihin ang kanilang ginagawa. Kahit umaga na raw sila natatapos sa taping, kapag nakikita naman nila na nagugustuhan ito ng mga manonood ay sulit na sulit ang lahat ng pagod nila.

AMP

ANNE CURTIS

BIMB

DYESEBEL

FORBIDDEN CONCERT

GOOD MORNING

HAPPY APRIL

INSTAGRAM

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with