_pang-masa
^

Pang Movies

Yasmien napapagod makipag-sex ng araw-araw sa asawa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahirap daw uling buntisin si Yasmien Kurdi kaya hindi nila agad masusundan ng asawang si Rey ang panganay nilang babae.

“Naiipon lang ‘yung eggs sa ovary. Hindi siya nabubuo,” rason ng isa sa mga bida ng GMA series na Rhodora X. “Kailangan daw ako mag-undergo ng treatment bago ako mabuntis.”

Hindi naman daw dahil sa kundisyon niya kaya ayaw niyang mabuntis uli. Siya na rin mismo ang umaayaw na magkaroon uli siya ng anak. So, hindi sila nagsi-sex na mag-asawa?

“Hindi! Hindi masyado! Hahaha!” tugon ng aktres.

“Hindi nga masyado kasi pagod kami lagi.”

Pero part ’yon ng married life, huh!

“Oo part ‘yon ng married life. Pero hindi naman siya must na kailangan like every day or… nakakapagod, huh? Hahaha! Mahirap!

“Antukin kasi kaming dalawa. Mas gusto naming matulog. Sa Japan (na pinagbakasyunan nila), meron din. Hindi every day. Kung kelan lang may energy. Hahaha!’ rason pa ni Yasmien.

Anak sa ibang babae ni Martin nagpakita na

Dumispley ang bunsong anak ni Martin Nievera na si Santino sa video message ng surprise birthday party niya na ini-organize ng anak na si Robin Nievera. Bumati lang naman ang bagets na anak ng singer sa ibang babae.

Guwaping din ang bagets na tanging sa mga showbiz column lang noon nababasa. Inamin naman siya ni Martin pero hindi rin nagtagal ang relasyon niya sa ina ng bata.

Ngayon kasi ay walang babae sa buhay ni Martin. No wonder, hindi siya nahiyang magsabi na inggit siya sa pagpapalaki ni Regine Velasquez sa anak na si Nate sa presscon ng Voices of Love Feb. 14 concert nila sa SM Mall of Asia Arena.

Marian pumayag na totohanin ni Alden ang halik

Kinakabog na ang dibdib ngayon ni Alden Richards sa pagsisimula ngayong gabi ng Carmela. After Louise delos Reyes, ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera ang kapareha niya.

Isa kasi si Alden sa mga exceptional GMA actor na inaprubahan ni Marian na maging kapareha at magkaroon ng kissing scene. Kung ang ibang artistang lalaki ay daya ang pakikipaghalikan ng aktres, dikit-labi ang nangyari at pumayag si Marian na ipakita ‘yon sa kamera!

Sa totoo lang, alagang-alaga ni Direk Dominic Zapata ang mga anggulo nina Marian at Alden kaya naman na-maintain ang pagiging sariwa nilang dalawa!

AFTER LOUISE ALDEN RICHARDS DIREK DOMINIC ZAPATA HAHAHA MAHIRAP MALL OF ASIA ARENA MARIAN RIVERA MARTIN NIEVERA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with