Jaya at ama, nagtagpo na matapos ang 44 years!

MANILA, Philippines - Espesyal ang nagdaang Pasko para sa Soul Diva na si Jaya, dahil makalipas ang 44 na taon, nakilala na rin niya ang kanyang ama. Ngayong Linggo, ikukwento ni Jaya ang madamdamin nilang pagkikitang mag-ama sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Alamin din ang samu’t saring charms na diumano’y pwedeng magdala ng swerte ngayong Year of the Wood Horse. Kung nadagdagan naman ang timbang dahil sa kaliwa’t kanang handaan nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, alamin kung paano maibabalik ang alindog sa tulong ng ilang paboritong Kapuso celebrities!

Makipagrakrakan din kasama ang legendary rock band Aegis na bibirit ng kanilang patok sa masang hit songs bilang paghahanda para sa isang rock comedy musical.

At kilalanin ang kauna-unahang Pilipino sa kasaysayan na napiling makatuntong sa kalawakan—si Chino Roque! Pasyalan din ang ilang attractions sa loob at labas ng bansa na magbibigay ng di malilimutang space adventure experience!

Tumutok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, January 5, sa GMA-7.

Show comments