Iba pa yung taga-paypay showbiz personality may taga-lagay pa ng datung sa slot machine
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 17, 2013 - 12:00am

Marami kaming celebrities and entertainment press na nakita sa lobby ng Solaire Resort & Casino sa Pasay City last Saturday, Dec. 14. Ayon kay Kuya Germs (German Moreno) nagkaroon ng simple dinner doon si Ms. Gloria Romero with family and friends to celebrate her 80th birthday which is kahapon, Dec. 16. 

Kami naman ay naimbita to watch the 2013 Miss Beauche sa Grand Ballroom ng hotel. Founded ni Madame Conchita Toribio Delos Reyes ang bagong beauty contest na maayos at mabilis ang pacing ng direction ni Anton Broas, Jr. Bumilib din kami sa mga magagandang bikini at gown na isinuot ng may 24 candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Judges sina Gloria Diaz, Venus Raj, Diana Zubiri, Jonas Gaffud, Paolo Ballesteros, and GMA Creative Head RJ Nuevas. Ang male supermodel na si Brent Javier ang host.

Si Miss Dagupan Anne Mabel Ubando ang naging first Miss Beauche International. First runner-up si Miss Manila Patricia Ramos; 2nd runner-up si Miss Baguio Alyssa Ashley Calimlim; 3rd runner-up si Ms. Quezon City Lynne de Mesa; at 4th runner-up si Miss Zamboanga Jovilyn Gavan.

Nabanggit din lang namin ang Solaire, naalaala namin ang kuwento ng isang character actress na paminsan-minsang naglalaro doon sa slot machine. Ang kuwento niya ay tungkol sa isang showbiz personality na kapag naglalaro roon, bukod sa may taga-lagay daw ito ng peso bill sa machine, may taga-paypay pa siya habang naglalaro. At ayaw daw na pinapanood siya habang naglalaro.

Pero may isang may-ari ng isang food chain na kapag daw naglalaro naman doon, may taga-lagay din siya ng pera sa machine pero masaya siya kapag pinapanood siyang maglaro at naka-display ang bundle ng one-thousand peso bill na itinataya niya. At namimigay daw ito ng balato kapag nananalo.

Rocco napapanood hanggang Channel 2 dahil kay San Pedro

Bilib kami sa producer ng Pedro Calungsod: Batang Martir dahil todo ang suporta niya sa kanilang pelikula na ginagampanan ni Rocco Nacino. Kahit sa ABS-CBN, napapanood ang trailer ng movie na idinirek ni Francis Villacorta. 

Noong presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), sila lamang ang may mga giveaway sa mga dumalo at supportive rin ang mga artista nila sa pagpo-promote. Dasal namin na sana ay panoorin ito ng moviegoers para malaman nila kung bakit naging pangalawang santo ng Pilipinas si Pedro Calungsod na taga-Cebu. 

Based din sa trailer na napanood namin, maganda ang pagkakagawa ng movie tulad noong isagawa ang pagpatay sa batang martir. Gusto rin naming makita kung bongga rin ang float na ipagagawa nila para sa Parade of Stars sa Dec. 22.

ANTON BROAS BATANG MARTIR BRENT JAVIER CREATIVE HEAD DIANA ZUBIRI FRANCIS VILLACORTA GERMAN MORENO GLORIA DIAZ PEDRO CALUNGSOD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with