Ruffa napabilib sa malakas na sampal ni Maricel
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 13, 2013 - 12:00am

Kahit si Ruffa Gutierrez ay naniniwalang de-­ser­v­­­­ing si Maricel Soriano sa top billing sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy na filmfest entry ng Star Cinema at Viva Films sa Dec. 25. Sa kanya, okay lamang ang billing niya, hindi naman daw kalakihan ang role niya pero nakita niya kung gaano talaga kahusay umarte si Maricel lalo na sa confrontation scene nila ni Joey Marquez, na parang siya raw ang nasaktan sa malakas na sampal ni Maricel. Sa story kasi ay mag-asawa sina Maricel at Joey pero naghiwalay sila at pumunta sa States si Joey kasama ang boy and girl na anak nila, naiwan kay Maricel ang tomboy at bakla played all by Vice Ganda. 

Si Ruffa naman ang bagong girlfriend ni Joey nang bumalik sila sa bansa. Ayaw nang ikuwento ng buo ni Ruffa ang character niya bilang si Marie, basta raw tiyak na magtatawanan ang mga tao kapag nalaman kung ano siya. Excited na rin siyang mag-join sa MMFF Parade of Stars sa Dec. 22.

Susunod na pagkakaabalahan ni Ruffa after ng festival ang pagti-taping nila ng It Takes Gutz to Be a Gutierrez na pansamantalang stop for the holiday seasons pero magri-resume sila ng taping sa seven-day cruise sa Malaysia, Singapore, at Hong Kong. 

Robin hindi priority ang serye ni Kylie

Na-excite si Kylie Padilla nang magsimula na siyang mag-taping ng telefantasya niya sa GMA 7, ang Adarna, na lumilipad na siya bilang si Ada, ang taong ibon. Noong Wednesday evening, napanood na ngang lumilipad na siya, after ng 24 Oras. Pero mas excited siya habang hinihintay ang pagti-taping ng amang si Robin Padilla na maggi-guest as her real father sa story. 

’Yun nga lang, tatapusin daw muna ni Robin ang promotion ng kanyang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Dec. 25, ang 10,000 Hours, na based sa story ng bagong appointed Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery na si former Sen. Panfilo Lacson. 

Marian ayaw padirek kay Dingdong

Noon pa man ay sinabi na ni Marian Rivera na ayaw niyang makipag-co-produce sa boyfriend na si Dingdong Dantes dahil mahirap kung pag-awayan pa nila ang pera kapag nagsosyo sila. Lalong ayaw na ni Marian nang makapag-produce siya ng Kung Fu Divas dahil nakita niya ang hirap ng maging isang produ­cer. Ngayon nga ay pinag-iisipan pa niya kung muli siyang magpo-produce. Ayaw din ni Marian na maging direktor niya sa movie man o TV si Dingdong dahil napanood na niya itong magdirek at napakaseryoso nito. 

Pero nami-miss na niyang magtambal sila ng boyfriend dahil ang huli pa nilang movie ay You To Me are Everything three years ago sa Regal Entertainment, Inc. at sa TV naman ang My Beloved two years ago.

AYAW DINGDONG DANTES HONG KONG IT TAKES GUTZ JOEY MARQUEZ KUNG FU DIVAS MARICEL NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with