Juday sasalain ang teleseryeng tatanggapin

MANILA, Philippines - Sabik pa rin ang fans kay Judy Ann Santos. Gusto nilang makita ito sa isang teleserye, hindi lang ’yung pagho-host ng Bet on Your Baby na napapanood tuwing Sabado sa Dos.

Ayaw na ba niya talagang umapir sa isang te­lenobela?

“Gusto ko,” sagot ni Juday. “Gusto kong gumawa ng isang teleserye pero dapat maganda ang istorya at pag-aaralan ko muna bago ako pumayag lumabas dito.”

Talbog!

Maureen Mauricio kakayod na uli, ayaw nang umasa sa asawa

Naimbitahan kami kasama ang ilang entertainment press sa ika-labingda­lawang kaarawan ng bunso ni Maureen Mauricio na si Isabella. MM is still sexy, fresh, and beautiful, kasi talagang alaga siya sa pagmamahal ng kanyang mister na si Daddy K.

Ready to face na nga ba si MM na umarte at humarap muli sa camera pagkatapos ng dalawang taong depresyon?  “Nang pumanaw kasi ang nanay ko parang dumilim talaga ang paligid ko,” sabi ni MM. “Pero may mga anak din nga pala ako na dapat gabayan, bigyan ng buhay at pag-asa. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para ibalik ko ang dati kong sigla.”

Isa si Maureen na binigyan ng mahalagang papel sa Sugo na ididirek ni Cesar Montano. May uumpisahan din siyang teleserye sa isang higanteng TV network.

“Excited na nga akong magtrabahong muli. This time gusto ko trabaho lang nang trabaho. Ayaw kong umasa lang sa aking loving husband. Hahaha!” bulalas ni Maureen.

 

                                                                  

 

Show comments