Singer na dating pa-guest-guest lang, may solo concert na

Hindi na mapipigilan ang pagsikat sa larangan ng pagkanta ng pinakabatang balladeer na si Michael Pangilinan na dati ’pag nasa stage ay guest singer lang nang nagpapa-concert at hindi pa siya binibigyan ng matunog na palakpakan ng audience.  Ilang guestings na rin ang nagawa ni Michael hanggang dumating ang panahon na siya na ang may solo concert. Nakailang beses na rin na ginawa ito ng batang singer pero ang pinakamalaki at mabonggang concert niya ay magaganap na sa Nov. 26 sa Zirkoh, Morato, Quezon City at ito ang birthday concert niya sa pagsapit ng kanyang ika-18th kaarawan.

Ito raw ang pinaka-memorable pero nakakakaba dahil first time na mangyayari sa kanya na marami siyang guest artists na pawang kilala sa larangan ng musika. Sila ay sina Luke Mijares, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Carlo Aquino, Miss Tres, Prima Diva Billy, Willy Jones, Al Tamisca, Chazz, at Gladys Guevarra. Ang unti-unting pagsikat daw niya ngayon ay utang niya sa mga taong walang sawang tumutulong sa kanya, sa mga magulang niya, fans, kaibigan, entertainment writers, at higit sa lahat sa discoverer niya at manager na si Jobert Sucaldito ng programang Mismo sa DZMM.

Gelli mas palaban sa mataray na boses

Happy sina Gelli de Belen at Tintin Bersola-Babao, ang mga host ng programang Face the People ng TV5, kasi nakakailang episodes pa lamang ang kanilang show sa ere ay dagsa na ang fan mails nila at ang lakas ng viewing public. All out ang support nila sa tema ng programa.

Sa dalawang hosts, mas nakakatakot daw si Gelli. Bukod sa lakas at taginting ng boses niya ay tipong mataray daw talaga. Parang palaging palaban. Si Tintin naman kasi ay medyo alalay pa ang pagsasalita. Pero sa totoo lang pareho silang loveable.

Aga bumalik sa pagsasayaw

Napapansin ninyo ba na sumasayaw si Aga Muhlach sa kanyang bagong game show na Let’s Ask Pilipinas? Eh sa totoo lang medyo kinalawang na ang mga paa ni Aga (joke lang!) pero kailangang gawin niya na muling sumayaw uli sa show.

Kung sabagay, hindi naman mahaba ang ginagawa ni Aga at pang-alis nerbiyos daw niya iyon at ng contestant na iilang episodes pa lang sa ere pero malakas na ang hatak sa viewers. Sa totoo lang may nagtyu-tutor kay Aga kahit ilang steps lang ng sayaw na ginagawa sa Let’s Ask Pilipinas. Pero sanay naman si Aga na sumayaw noon pa.

Show comments