_pang-masa
^

Arnel Pineda naging kamukha ni Charice sa concert ni Martin

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 24, 2013 - 12:00am

Congrats kay Martin Nievera dahil successful ang repeat ng kanyang anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes.

Tuwang-tuwa si Martin dahil hindi siya binigo ng kanyang mga tagahanga. Ibibigay ni Martin ang bahagi ng kinita ng concert niya sa mga kababayan natin na biktima ni Yolanda.

Sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, at Arnel Pineda ang mga special guest sa concert ni Martin. Ang sabi ng isang malditang reporter, kahawig daw ni Arnel si Charice.

Bagong show ni Rocco nagpakita ng malasakit

Pinanood ko kahapon ang pilot telecast ng Out of Control, ang bagong Saturday afternoon show ng GMA 7 na mapapanood pagkatapos ng Startalk.

Ang babae na maraming aso na kasama sa bahay ang kuwento na ipinakita ni Rocco Nacino sa Out of Control.

Kawawa ang mga aso dahil payat sila at maraming galis sa katawan. Inirereklamo na ng mga kapitbahay ang masang­sang na amoy na nanggagaling mula sa mga aso na napapabayaan.

Marami akong aso na kasama sa bahay pero alagang-alaga ko sila at never na nakaranas ng gutom. Mababango, malulusog, at makikinis sila.

 Awang-awa ako sa mga aso ng babae. Hindi ko puwedeng sabihin na pet dogs o alaga sila ng babae dahil kalunus-lunos ang kanilang mga kalagayan.

Kung hindi magagawa ng babae na alagaan ang mga pobreng aso, mas mabuti pa na dalhin niya ang mga iyon sa PAWS. Huwag na siyang magpanggap na may kakayahan siya na mag-alaga ng mga aso ’no?!

Direk Andoy napaganda ang modernong kuwento ng obra ni Direk Danny Zialcita 30 years ago

May mga nakapanood na sa When The Love is Gone na showing sa mga sinehan sa Nov. 27.

May mga nag-comment na mas maganda ang kuwento ng When the Love is Gone kesa sa original version, ang Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.

Thirty years na ang nakalilipas mula nang ipalabas sa mga sinehan ang Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi. Marami na ang hindi nakakaalaala sa kuwento ng pelikula ni Danny Zialcita kaya pati ang oldies, type na panoorin ang When the Love is Gone para makita nila ang pagkakaiba ng dalawang pelikula.

Si Andoy Ranay ang direktor ng 2013 version. Walang ilusyon si Andoy na lampasan ang version ni Danny dahil tribute niya sa namayapang direktor ang When the Love is Gone.

 

ARNEL PINEDA ASO BUWAN DANNY ZIALCITA DIREK ANDOY DIREK DANNY ZIALCITA HABA MARAMI OUT OF CONTROL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with