Pagkatapos ng hip injury: Lady Gaga ginawang pain reliever ang marijuana

Inamin ni Lady Gaga that she used to smoke 15 joints of marijuana para maibsan ang sakit ng kanyang hip injury. Pero isang kaibigan niya ang nagsabi na tigilan na niya ang paggamit at sinunod naman niya.

Ayon sa singer, dahil sa naging aksidente niya sa kanyang right hip, na-cancel ang two dozen concerts niya at dumaan siya sa isang surgery. Ang marijuana raw ang naging pain reliever niya.

“I was smoking fifteen joints a day. No tobacco. It was a habit that eventually occurred when the pain got so bad with the hip.

 â€œI was just numbing, numbing, numbing myself and then sleeping it off and then getting on stage, killing it in pain, then getting off and smoking, smoking, smoking, not knowing what the pain was,” paliwanag ni Lady Gaga.

Ang kanyang kaibigan na si Marina Abramovic ang nag-force sa kanya na tumigil na sa masamang habit na iyon.

“It wasn’t until I was with Marina and she said, ‘Okay you’re coming to my house. No television, no computer, no marijuana, no nothing, no food. For three days, art only. You eat only art.

“I got cold-turkeyed. For weeks and weeks I didn’t smoke at all. And now I smoke a little bit at night, just you know, for fun – but not to cope. That’s the difference. Marina was the only person who could get me to do that and it was not intended to be rehab,” dagdag pa ng singer.

Inilabas na ni Lady Gaga ang third album na ARTPOP at napasama siya sa top-earning musicians under 30 ng Forbes. May $80 million lang naman siya last year.

Character actress nawalan ng trabaho nang magka-manager

Super emote ang isang character actress dahil higit na siyam na buwan na siyang walang trabaho. Nagtataka nga siya dahil ngayon lang ito nangyari sa kanya eh dati-rati naman tuwing may matatapos siyang teleserye ay may kasunod na agad na alok sa kanya.

Nangyari raw ito noong kumuha siya ng manager. Kung kelan nga naman siya nagkaroon ng manager na matatawag ay doon pa siya nawalan ng raket.

Naging bread and butter ni character actress ang pag-arte at ang mawalan ng raket ng higit na siyam na buwan ay malaking kawalan sa kanya. Mabuti na lang at hindi sila kinakapos ng kanyang pamilya. May blessing pa rin na pumapasok.

Pinag-iisipan na ng character actress na tsugiin na lang ang manager niya dahil parang wala rin itong ginagawa para sa kanya. Naka-concentrate raw ito sa ibang bagay kaya ’yung mga katulad niya na barya-barya lang ang talent fee ay nadededma.

Naghahanap lang ng tamang panahon ang character actress kung kelan niya makakausap ang manager. Baka sa pagbitiw niya rito ay baka bumalik muli ang suwerte niya sa trabaho.

Polo naglagay ng pang-sariling character sa pamamagitan ng tattoo

Walang regret si Polo Ravales nang magpalagay ng malaking tattoo sa kanyang dibdib at braso.

Matagal na raw niyang gustong magpalagay pero pinag-isipan niya ng husto ang design at kung sino ang gagawa. Marami ang nagulat nang finally ay makita na ang malaking tattoo sa kanyang makinis na balat.

Say ni Polo, panahon na para gawin niya iyon dahil gusto niyang magkaroon ng pang-sariling character.

“Kung mabait naman ang role ko, madali namang takpan ng makeup. Kaya puwede pa rin ako kahit sa anong role na ibigay sa akin,” confident na sabi ni Polo.

Kasama ngayon si Polo sa Pyra, Babaeng Apoy bilang si Tito, isa sa mga naghahanap kay Pyra na ginagampanan ni Thea Tolentino para pagkakitaan sa masamang paraan.

Show comments