Lilia Cuntapay tinitiis ang pagiging ‘Aswang’, Direk Peque gusto nang mag-retiro

(Pang-masa) - October 31, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ibinahagi ng aktres na si Lilia Cuntapay sa Tapatan ni Tunying na eere ngayong Huwebes (Oktubre 31) na madalas siyang makaranas ng pangungutya at mapagkamalang aswang dahil sa mga pagganap niya sa mga horror film.

 â€œSinasabi nila sa akin, ‘Alis diyan mangkukulam! Mambabarang ’yan, aswang ’yan.’ Masakit man sa loob ko, tiniis ko lahat ’yon. Pero kapag naiisip kong natakot talaga sila, nakakatuwa na rin kasi ibig sabihin nun epektibo ‘yong pag-arte ko,” sabi niya kay Anthony Taberna.

 Ipinagmalaki niya na sa mahigit dalawang dekada niya sa industriya ay madali na para sa kanya ang manindak ng mga manonood.

 â€œBaka naman sabihin nila mayabang ako pero proud na rin po ako na sabihin na magaling akong manakot. Kapag tinakot kita, talagang matatakot ka,” hirit pa ng veteran na bit player.

 Sinang-ayunan naman ito ng multi-awarded film na direktor na si Peque Gallaga na siya ring nakadiskubre sa kakaibang talento ni Cuntapay. Sinabi nitong mas maituturing pa na icon ang aktres kumpara sa kanya.

 Sa isang hiwalay naman na panayam ay ipinahiwatig ni Gallaga na malapit na siyang mag-retiro.

 â€œSa totoo lang, kapuy na ako, kasi ako dati enjoy na enjoy ako sa actual shooting. Para kang kapitan talaga. Kapag sinabi kong ‘dito tayo,’ lahat sumusunod. Ang sarap maging direktor,” sabi ng 70 anyos na ngayong direktor.

Bagama’t nagpahiwatig si Gallaga sa nalalapit niyang pagre-retiro, patuloy pa rin ang paggawa niya ng mga dekalibreng pelikula kasama si Lore Reyes.

ALIS ANTHONY TABERNA BAGAMA GALLAGA KAPAG LILIA CUNTAPAY LORE REYES PEQUE GALLAGA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with