Babalikan ang showbiz pagkatapos ng term sa pagiging Governor: Vilma suko na sa pulitika
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 30, 2013 - 12:00am

Mukhang sa tono ng salita ngayon ni Sen. Ralph Recto na nagsabing kung magre-retire na sa pulitika ang kanyang asawang si Gov. Vilma Santos ay makagagawa iyon ng mas maraming pelikula, iiwanan na nga ni Ate Vi ang kanyang political career pagkatapos ng term bilang gobernador ng Batangas. Dinugtungan pa iyon ng senador na siguro nga

Iyon nga lang, nagsisimula pa lamang ang kanyang last term bilang gobernador, marami na ang gumagawa ng petisyon na tumakbo siya sa isang mas mataas na posisyon pa. Pero kung si Ate Vi nga ang tatanungin, mukhang ayaw na rin niya at gusto na niyang mas mabigyan ng panahon ang showbiz.

Isipin nga naman ninyo, siyam na taon siyang mayor ng Lipa, Batangas at ngayon siyam na taon na naman siyang gobernador ng probinsiya. Bale la­­bingwalong taon nang hindi niya nabibigyan ng sapat na panahon ang kanyang pagiging isang aktres.

Hindi lang naman iyon ang gustong gawin ni Ate Vi. Gusto nga niyang mag-produce ng mga peli­ku­la ulit, at naniniwala kaming kung gagawin niya iyon, hindi lang indie film ang gagawin niya kundi mga mainstream movie rin naman. At sinabi naman ni Sen. Ralph na susuportahan niya ang kanyang asawa sa mga ganoong balak. After all, self-confessed fan naman siya ni Ate Vi.

Ang daming nakalinyang pro­­jects ni Ate Vi. Ngayong tapos na ang Ekstra, nakatakda naman niyang simulan ang isang mainstream movie para sa Star Cinema at ma­rami pa ring projects na nakabimbin. Hin­di naman niya maaa­ring ga­win lahat iyon dahil nga sa trabaho niya sa kapitolyo, pero kung tutuusin, mas malaki ang kinikita niya bilang isang aktres kaysa bilang gobernador.

Minsan nga nasasabi ni Ate Vi, kailangan niyang mag-sideline at gumawa ng pelikula, para matulu­ngan pa niya ang ilang consti­tuents niya sa Batangas na nangangailangan ng personal na tulong.    

‘Kim Chiu’ ng EB binawian na ng title!

Tama ang ginawa ng Eat Bulaga na magpa­tupad ng moral code kahit na ang kanilang contest ay tungkol nga lang sa pagandahan ng mga bakla. Noong Sabado ay napili nila sa kanilang Super Sireyna ang isang baklang lookalike ni Kim Chiu. Okay naman ang kanyang panalo, kaya lang makalipas ang ilang oras, umandar na ang mga negatibong ko­mento sa Internet at inilabas pa ang mahahalay  niyang larawan na naka-post sa isang Internet dating site. Sa na­sabing pictures, nakalantad pa ma­ging ang kanyang private parts.

Dahil doon, nagdesisyon ang Eat Bulaga na alisan siya ng title at ang papanalunin ay ang first runner-up. Kahit na sa mga bading, mahalaga sa kanila ang moral conduct. Palakpakan!

Aktres kailangan ng tuluy-tuloy na gamutan sa kanyang mental disorder

Dapat talaga gawin nang tuluy-tuloy ng isang aktres ang kanyang pagpapasailalim sa medical treatment dahil sa sinasabing mental disorder na kanyang nararanasan ngayon.

Mukhang masyado siyang stressed sa nangyayari sa kanyang buhay kaya gano’n.

ATE VI BATANGAS EAT BULAGA KANYANG KIM CHIU NAMAN NIYA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with