^

Pang Movies

Zsa Zsa nagulat sa mga gustong tumingin sa bahay, hindi pala ipinagbibili!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wala naman palang balak si Zsa Zsa Padilla na ibenta ang bahay nila ni Mang Dolphy. Haka-haka lamang pala ng mga tao na ibebenta niya ito dahil nga tatlo lamang silang nasa bahay, siya at ang dalawang anak na sina Nicole at Zia. 

Nagtaka si Zsa Zsa kung saan nanggaling ang balita lalo na nang sabihin sa kanya ng guard ng kanilang subdivision na maraming gustong tumingin sa bahay. Pero sinabihan nila ang guard na huwag papayag na may tumingin sa bahay at maghigpit sila dahil dalawang beses na pala silang nanakawan. 

Ayen maselan ang pagbubuntis, pinagpapahinga ng doc

    Nakausap namin si Franco Laurel, husband ng singer/actress na si Ayen Munji-Laurel at sinabi niyang kailangan talagang iwan ng wife niya ang afternoon prime drama nitong Maghihintay Pa Rin dahil ito ang advise ng doctor para maging healthy siya at ang kanilang baby. 

Delicate ang condition nito kaya kailangan niyang mag-rest from her taping and anything that will tire her physically. Pero ayon kay Franco, Ayen will be back on TV and ready to work a few months after she gives birth on Feb. 14. 

Si Ayen ang gumaganap na strict and domineering mother ni Bianca King sa Maghihintay Pa Rin na napapanood sa GMA 7 after Mga Basang Sisiw.

Ritz nagpapasalamat sa extension

Extended pala ng another two weeks ang sexy drama serye ng TV5, ang Misibis Bay, na napapanood gabi-gabi at 8:00. Masaya at nagpapasalamat si Ritz Azul nang malaman niya ang extension dahil sa mataas na rating ng kanilang serye. This week nga raw ay makikita na ang pagbabago niya bilang si Maita at haharapin na niya ang dalawa niyang mortal enemies, sina Miranda (Vivian Velez) at Lara (Megan Young) ngayong siya na ang chairman of the board matapos isalin sa kanya ng yumaong asawang si Anthony (Christopher de Leon) ang pamamahala sa kanilang business. Si Miranda ay kapatid ni Anthony na walang namana mula rito at si Lara ay anak ni Anthony. Ayaw pumayag ng dalawa na si Maita ang aangkin sa naiwanang kayamanan ni Anthony.

Rocco naghahanap na ng sariling bahay, bibili pa ng rest house

Sunud-sunod ang blessings na dumarating kay Rocco Nacino. Happy siya na kahit hindi nakapasa ang Ibong Adarna sa coming Metro Manila Film Festival dahil kasali pa rin siya sa isang religious movie, ang Pedro Calungsod.

Nagsimula na silang mag-shooting last July 22. Nagti-taping din si Rocco ng Akin Pa Rin ang Bukas with Lovi Poe at tapos na rin siyang mag-taping ng last episode ng Titser ni Lovi for GMA News TV na special guest siya. Biro namin kay Rocco, saan niya dinadala ang talent fee niya? Sa ngayon daw ay nag­hahanap siya ng mabibiling bahay for himself. Gusto rin niyang bumili ng lupa na mapagtatayuan niya ng isang rest house para sa buong family.

 

AKIN PA RIN

AYEN MUNJI-LAUREL

BIANCA KING

FRANCO LAUREL

IBONG ADARNA

LARA

MAGHIHINTAY PA RIN

NIYA

ROCCO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with