Isay Alvarez may stage 1 na kanser sa dugo

MANILA, Philippines - Aksidenteng nakita ng mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez ang grupo ng press sa Misibis Bay & Resort sa Legazpi City sa Bicol na inimbitahan ni Albay Governor Joey Salceda upang saksihan ang month-long Daragang Magayon Festival.

Pasyal lang ang pakay ng mag-asawa sa Misibis upang paunlakan ang imbitasyon ng kaibigang gobernador. Tutal naman sa July pa muli ang staging ng musical play ni Isay na Katy kaya wala muna siyang mabigat na trabaho.

Sa tsikahan ng press kay Isay, isiniwalat niyang na-diagnose siya na may leukemia, stage 1. Bale November last year niya ito nalaman. Kaya naman naghinay-hinay muna siya sa work.

Our prayers sa mabilis na paggaling ni Isay.

ATV, attraction sa Albay

Speaking of Magayon Festival, isa sa atraksiyon ngayon ay ang All-Terrain Vehicle (ATV) adventure ride mula sa Cagsawa Ruins paakyat ng paanan ng bulkang Mayon.

Sa kakakulit ni Gov. Joey sa press na subukan ang ATV, hayun at sinuong ng lahat ang baku-bako at mabatong daan paakyat ng bulkan! Mahirap man at nakakatakot, buong tapang sumakay ng maliit na four-wheel drive at tagumpay namang binagtas ang matarik na daan!

Isa ang ATV sa dinadayo sa Albay ngayon. So, matapos gumastos ngayong taon ng P22 M, hopefully, magkaroon ng katuparan ang wish ng gobernador na manguna na ang kanilang probinsiya sa mga dinarayong festival ng bansa.

Show comments